Chapter 2

1430 Words
***Ymari POV*** "HOW'S school, anak?" tanong ni mommy sa gitna ng dinner namin. "Okay naman, mom. As usual. Pa-ulit-ulit lang ang routine. Pero malapit na ang exam namin," sabi ko. "I believe in you, anak. Alam kong mape-perfect mo ang exam or mataas ang score mo. But it's okay if not. Importante huwag mong masyadong i-pressure ang sarili mo." Napangiti ako sa sinabi ni mommy. Sobrang cool talaga nya at very supportive pa sa akin. Hindi ko lang sya mommy kundi parang tropa ko na rin minsan. "Don't worry, mom, bibigyan kita ng perfect score or mataas na score. Kelan ko ba kayo binigyan ni daddy ng mababang score," confident na sabi ko. Not to boast or anything pero grade school pa lang ako ay lagi akong nag e-excels sa mga exam, sa quizzes o kahit sa anong mga activities. Lagi akong with highest honors or high honors hanggang senior high. At ngayong college, I hope makakuha ako ng latin honors para mas maging proud sa akin si mommy at daddy. "Basta no pressure, anak. Ang importante lang naman ay makapasa ka. Sapat na iyon," wika ni daddy. "Thanks, dad." "But how's your love life? May boyfriend ka na ba?" tanong ni daddy. "Um, yes dad. Varsity player po sya ng school." Kumunot ang noo ni daddy. "Pogi ba?" Ngumisi ako. "Of course, dad. Hindi naman ako mag-jo-jowa ng pangit, no. Saka super sikat sya sa school." Pumalatak si daddy at umiling-iling. "Varsity player, pogi at sikat sa campus. Naku, iba ang pakiramdam ko riyan." "Why naman, dad? Mabait naman po si Andrei." "Andrei ang pangalan nya?" "Yes, dad." Pumalatak si daddy. "Pangalan pa lang naaamoy ko na." Natatawang napakunot ako ng noo. "Ang alin, dad?" naguguluhang tanong ko. "Nothing, anak. Huwag ka lang masyadong ma-attach sa boyfriend mo." "Huwag mo na lang pansinin ang sinabi ng daddy mo, anak. Pero gusto kong makilala yang boyfriend mo para makilatis ko kung gwapo ba talaga gaya ng mga naging ex mo," wika ni mommy. "Sure, mom. One of these days, dadalhin ko sya rito sa bahay para ipakilala sa inyo," sabi ko. Sabay kaming bumungisngis ni mommy. Walang problema kay mommy at daddy kung mag boyfriend ako. Basta raw alam ko ang limitasyon. Which is alam ko naman talaga ang limitasyon kaya nga hindi ako nagpapa-score sa mga naging boyfriend ko. Lalandi lang ako pero di ako magpapabuntis. . . . "MOM, papasok na po ako," paalam ko kay mommy na naabutan ko sa living area na hawak ang ipad habang nag ka-kape. Lumapit ako sa kanya at humalik sa kanyang pisngi. "Ang ganda-ganda mo talaga, anak, at ang sexy-sexy mo pa. Mana ka talaga kay mommy," wika ni mommy at hinagod ako ng tingin. "Of course, mom," natatawang saad ko. "O sya, mag iingat ka sa pag da-drive, ha. At ingat sa mga boys. Masyadong kang maganda, 'nak, baka panggigilan ka nila." Napangisi ako. "Don't worry, mom, lagi akong handa," turan ko at nilabas ang pepper spray sa bag. "That's my girl! O sige na, anak. Pumasok ka na at baka ma-late ka pa. Just call me kapag nasa school ka na." "Yes, mommy. Bye." Lumabas na ako ng bahay at nilapitan ang kotse ko na ni-regalo ni daddy at mommy nang mag-eighteen ako. Dati ay hatid-sunod lang nila ako sa school o kaya ng driver. At nang mag-eighteen ako ay binigay nila sa akin ang pangarap kong car. Wala talagang akong masabi sa mommy at daddy ko. Sobrang bait nila at caring pa. Very supportive din sa lahat ng gusto ko. Kahit hindi ko sila tunay na parents at adopted lang ako ay labis-labis ang pagmamahal na binibigay nila sa akin. Talagang tinuturing nila akong parang tunay na anak. Until now kasi ay wala pa rin silang sariling anak. At mukhang malabo na silang magka-anak dahil si mommy ay may edad na. Pero hopefully hangga't hindi pa nag me-menopause si mommy ay mabigyan sila kahit isa lang.. Sinipat ko muna ang mukha ko sa maliit na salamin kung maayos ba ang make up ko. Manipis na make up lang ang in-apply ko sa mukha para fresh ako buong maghapon. Hindi rin ako naman ako fan ng heavy make up dahil parang nangangati ang mukha ko. Nang makuntento na ako sa hitsura ay bumaba na ako sa kotse at sinukbit ang bag sa balikat. Bumuntong hininga ako at nilibot ang tingin sa paligid. Maganda ang panahon. Maliwanag ang langit at mainit ang sikat ng araw. Gayumpanam ay boring na araw pa rin. Gosh! Namiss ko nang mag-clubbing. Mayaya nga ang dalawang bruha sa Saturday at si Andrei na rin. Naglakad na ako papasok sa campus habang china-chat si Aubrey at Selena. Mabilis naman silang nag-reply at sinabing nasa tambayan sila at hinihintay ako. Sa botanical ang tambayan namin dahil tahimik doon at presko pa. Napapabuntong hininga na lang ako sa mga tingin na binibigay sa akin ng mga kapwa ko students. Ang mga lalaking estudyante ay bakas sa kanilang mukha ang panghanga sa akin at ang iba ay lantaran pang nagpapa-cute. Gumaganti naman ako ng ngiti sa kanila basta hindi bastos. Kabaliktaran naman ang mga babaeng estudyante na kung tingin ako mula ulo hanggang paa ay para ba akong isang dumi. Kapag lilingonin ko naman sila at tataasan ng kilay ay nag iiwas naman ng tingin. Napalingon ako nang marinig ang tawanan ng isang grupo ng kababaihan. Nakita ko ang grupo ni Olivia na naglalakad sa kabilang direksyon. Nagbubulungan sila at nagtatawanan pa. Nang tumingin sila sa direksyon ko ay sabay tawa nilang muli. Tinaasan ko lang sila ng kilay at nagpatuloy na sa paglalakad. "Bitch." Bumuntong hininga ako sabay ikot ng mata. Alam kong ako ang sinabihan nilang b***h. "Ugly losers," sabi ko sabay lingon sa kanila at dirty finger. Napaawang naman ang labi nila. Nginisihan ko lang sila at nagpatuloy na sa paglalakad. First year college pa lang kami ay may beef na kami ni Olivia. Pero sya naman ang nag umpisa. Feeling nya kasi nakikipag-kompetensya ako sa kanya. Nauna kasi syang pumasok dito sa school at ako naman ay late dahil nag-transfer ako. Sikat na sikat sya dito lalo na sa mga boys at nang dumating ako ay feeling nya inaagaw ko sa kanya ang kasikatan nya. Dalawang beses na kaming nagkaroon ng komprontahan dahil sa lalaki. Dalawa kasi sa naging ex ko ay naging manliligaw nya pero hindi naging sila. E paano, pabebe sya. Tapos nang sa akin bumaling ang atensyon ng dalawang lalaki at galit na galit sya. Inakusahan nya akong malandi at mang aagaw. And I'm sure sya at ang mga chuwariwap nya ang nagpapakalat sa buong campus at social media na malandi ako. Wala naman akong pakialam at hindi na-bo-bother. Kung ang pagkakaroon ng maraming boyfriend ay malandi—e di ako na ang malandi. Dito sa campus ang tingin sa akin ng mga estudyante especially mga babaeng estudyante ay malandi dahil nakailang boyfriend na ako at mga hindi pa nagtatagal. Pero may ilang babaeng estudyante naman na nakaka-close ko gaya ni Aubrey at Selena na tinuturing ko ng best friends at mas nakakakilala sa akin. Kung malandi ang tingin sa akin ng mga estudyante ay kabaliktaran naman kay Olivia. Prim and proper kasi ang atake nya. Matalino, matino at palakaibigan. Binansagan na rin syang campus sweetheart habang ako ay campus b***h. Noong una ay apektado ako na ganoon ang tingin sa akin ng mga kapwa ko estudyante pero nasanay na ako at wala na ring pakialam. Sikat din naman ako dito sa campus, iyon nga lang ay sa maling tingin nila sa akin. But on the bright side mas sikat ako kay Olivia pagdating sa physical aspect base lang ito sa mga komento ng tao lalo na ng mga kapwa ko estudyante. Maganda si Olivia kaya nga sya sikat sa school. May pagka-latina ang beauty nya, morena ang kanyang balat, matangkad, slim ang katawan na may kurba naman. Papasa nga syang beauty queen at usap-usapan na sasali sya sa national beauty contest next year. Habang ako naman kung i-describe ng mga tao ay manikain na tisay, maputi at makinis ang balat ko na kapag nasikatan ng araw ay namumula. Katamtaman lang ang height ko at makurba ang katawan ko. Malusog ang hinaharap ko at bilugan naman ang pang upo ko. Maraming naiinggit sa katawan ko dahil biniyayaan ako ng hour glass body. Well, hindi ko naman ito hiningi. Galing ito sa genes ng biological parents ko na parehas may lahing banyaga. Makalipas ang ilang sandali ay nakarating na ako sa tambayan namin. Napaikot pa ang mata ko habang lumalapit sa kanila. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD