"Oho, ser." Bahagyang yumuko si Mang Jose at lumabas na ng bahay. "Vera, hindi ka man lang nag-pasabi na pupunta ka rito. Pero tamang-tama, malapit na kaming mag-dinner kaya sumabay ka na sa amin," yaya ni mommy na nasa good mood. "Sya nga naman. Dito ka na mag-dinner," segunda ni daddy. Tumaas ang kilay ni Vera at mas lumapad ang mayabang na ngiti sa labi. "No, thanks. Hindi ako nagpunta rito para makikain. May iba akong sadya," aniya at matalim na tumingin sa akin. Napataas naman ako ng kilay dahil sa tingin na binigay nya sa akin. "Ano pala ang sadya mo kung ganon?" tanong ni mommy. Ngumisi si Vera. "Alam ko na ang tinatago nyong sikreto. Hindi ako makapaniwala na tino-tolerate nyong mag asawa ang ganitong gawain. How immoral!" Kumunot ang noo ni daddy at mommy at nagtingina

