Chapter 29 " THE ACCIDENT "

1242 Words
Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga nakatalagang pulis ang nangyaring banggaan ng dalawang kotse na face to face na nagsalpukan.Kapwa isinugod sa pinaka malapit na Ospital ang dalawang driver at mga pasahero nito.Pangunahin sa mga malubhang napinsala ay si Mr. Dwight Arevalo, ang bagong appoint na presiding CEO ng The Grove Tower. Ayon sa naging pagsisiyasat ng MMDA katuwang ang mga kapulisan ay lumagpas sa linya ang minamanehong sasakyang ni Mr. Dwight Arevalo kung kaya't malakas ang kutob ng mga ito na mukhang nawalan ng preno ang sinasakyang kotse nito.Lumalabas din sa kanilang imbestigasyon na mukhang maluwag ang pagkakalagay ng turnilyo sa may harapang gulong ng kanyang sasakyan at kapansin pansin na kulang din ang inilagay na turnilyo sa mga gulong ng kotse.Hindi maiwasan ng ibang pulis na kasama sa imbestigasyon na ikumpara ang nangyaring insidente na sinapit ng dalawang detective na sina Allen at Freda na muntik naring makabangga ng isang motorsiklo sa kahabaan ng Makati highway ilang araw pa lamang ang nakakalipas. " Positive sir, mukhang iisa ang may gawa nito sa naunang insidente tsk tsk " pahayag ng isang nakakita sa kalagayan ng kotse ni Mr. Arevalo. Matapos magawan ng kaukulang report at makunan ng larawan ang nangyaring insidente ay saka nila ipina-tow ang dalawang sasakyan na nakahambalang sa national road upang hindi na ito makaabala sa daloy ng trapiko. matapos malaman ni Mr. Eathan Hawk ang nangyaring insidente at maging ng pagkakadiskubre sa naging sanhi nito na katulad ng nangyari sa sasakyan ng dalawang detective kamakailan lamang ay tila nais bawiin lahat ni Mr. Eathan Hawk ang mga unang impressions nito sa kanyang appointed presiding CEO. " So ano sa palagay mo ngayon Mr. Hawk? " napailing lamang si Mr. Hawk sa tanong na iyon ng detective dahil batid niya na hindi man niya aminin sa detective ay tila sa tono ng pananalita niya kanina ay waring may pagdududa siya kay Mr. Dwight Arevalo.Ngunit ngayon ay hindi naman siya makapaniwala na may nangyaring masama sa kanya at kung uugatin ay tila isa pa siya sa maituturing na panibagong biktima ng mga salarin na hindi matukoy kung saan nanggagaling, kung ito ba ay galing sa labas ng kanyang kumpanya o galing mismo sa loob ng kanyang bakuran. " oh my goodness sir Nugas I don't know what to say right now. Isa lang ang masasabi ko this is really a serious matter and who ever behind all this ay kailangan siyang matukoy kaagad ng mga otoridad before another tragic scenario will take place.Baka sa susunod ay hindi lang banggaan sa kalsada ang mabalitaan natin kunti mga bomba na ang itatanim sa sasakyan " nagaalalang pahayag ni Mr. Eathan Hawk.Pagka sabi nito ay bigla siyang napatingin sa kinalalagyan ng kanyang anak na nakatayo malapit lamang sa kanilang kotse. Sa sobrang pag-aalala niya ay kinawayan niya ang kanyang anak at saka sinenyasan niya ito na lumapit sa kanilang kinaroroonan. Mabilis na kumalat ang balita sa nangyaring aksidente na kinasangkutan ni Mr. Dwight Arevalo. Umabot din ito kaagad sa kaalaman Nina Allen at Freda na halos katatapos lamang sa kanilang isinagawang imbestigasyon sa pagkamatay ni Mr. Olivarez. Ang nagpaabot ng balita sa kanila ay si Ms. Lala Morales na kasalukuyang nasa opisina sa CDG Building at isinasaayos ang mga files ng biglang may tumawag sa kanya na nagngangalang Police inspector Calvin Pascual na masugid na manliligaw ni detective Freda Parazo.Gusto niyang abisuhan ang dati niyang partner na lalo pa itong mag ingat dahil sa nangyaring insidente na tiyak niyang may kaugnayan din sa sinapit ni Mr. Dwight Arevalo. Nasa harap ngayon ng computer si Lala Morales at isinasagawa ang pag search sa isa pang panibagong kaso na hinahawakan ngayon ni Detective Leumas Nugas na may kinalaman naman sa misteryo ng sunod sunod na pagkamatay ng isang grupo ng mga magkakaibigan na tinawag nilang THE FRIENDS CLUB, kamakailan kasi ay dumulog sa kanilang opisina ang Ina ng isang member ng grupo na nawawala at humihingi ng tulong sa detective. Parang magnet naman sa kanyang gunita na pilit nagsusumiksik sa kanyang isipan ang tungkol kay Sam Samonte. At para mapanatag narin ang kanyang kalooban ay minabuti niyang buksan ang kanyang social media account para tignan kung may panibagong mensahe na naroon at Hindi nga siya nagkamali at sa aminin man niya sa hindi ay hindi niya maitatanggi sa kanyang sarili na tila nasasabik siya na makabalita ng tungkol sa binata. Nasumpungan niya doon ang pahatid na mensahe ni Sam para sa kanya at hindi lamang niya ito miminsang binasa kundi naka tatlong ulit pa niya itong sinubaybayan. Hindi malaman ngayon ni Lala kung kailangan ba niya itong sagutin ang message ni Sam pero nagdadalawang isip siya kung ano naman kaya ang maaari niyang itugon sa super romantic nitong mga litanya. Nagulat pa siya ng biglang tumawag si Sam sa kanya. Naka flash ngayon ang mukha nito na animoy bagong paligo at fresh na fresh sa suot niyang polo shirt. " Hello Lala I'm so happy that you're online baka puwede buksan ang camera ng gamit mong device, Im longing to see you and I missed your presence. May gusto rin sana akong sabihin sayo, gusto ko sanang magpatulong sayo na i-locate ang isang taong gusto kong hanapin I'm sure mas may knowledge ka about social media searching baka gusto mo akong tulungan please will you? " lumakas ang pag kabog sa dibdib ni Lala at mayroon naring namuong butil ng pawis sa kanyang noo. Hindi talaga niya maintindihan kung bakit napakalakas talaga ng awra ng lalaki at hindi niya ito magawang balewalain nalang basta. Subalit ng maalala niya ang mga huling napag usapan nila ng mga kasamahan niya sa trabaho na patuloy parin naman ang isasagawa nilang pagkilala sa totoong pagkatao ni Sam ay ikinonsidera niyang iyon isa lamang bahagi ng kanyang misyon. Naisip niyang baka gusto lamang magpatulong sa kanya si Sam na hanapin ang kanyang kakambal at kung sakali ay mas magiging madali rin para sa kanila na malaman kung totoo ngang may kakambal siya at Hindi siya nagbabalatkayo lamang. Napilitang buksan ni Lala ang kanyang video cam matapos niyang ayusin ang kanyang buhok at magpahid ng powder sa kanyang mukha para mapawi kahit papaano ang namuong pawis sa kanyang noo at ilong. " Hello Sam anong tulong ba ang puwede kong maipagkaloob sayo sabihin mo sa akin baka sakaling matulungan kita sa abot ng aking makakaya." pormal na sabi ni Lala at hindi na siya nagbigay ng mga adlibs para hindi isipin ng kanyang kaharap na gustong gusto niya na makipag flirtations sa kanya ' trabaho lang walang personalan ' bulong pa niya sa kanyang sarili. Pero siya ang na sorpresa sa gustong hilingin sa kanya ni Sam at yun ay hindi niya inaasahan. " Gusto ko sanang magpatulong na i-locate kung saan ko maaaring matagpuan ang babaeng nagngangalang Veronica Perez. Ayon kasi sa aking source ay kasintahan siya ng aking kapatid I'm just hoping na baka pag natunton ko siya ay malaki ang possibility na alam din niya kung saan ko matatagpuan ang aking kapatid." mahabang paliwanag ni Sam. Hindi naman makaimik kaagad si Lala sa hindi niya inaasahang hinihiling ng binata. Nang hindi siya kaagad nakapagsalita ay naalarma si Sam. " I'm so sorry it's not my intention to force you doing something you don't want to do. I beg your pardon Lala for being so demanding " nagaalalang sabi ni Sam. Para namang na-engkanto si Lala ng mga sandaling iyon at hindi malaman kung ano ang kanyang isasagot sa binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD