Unang dumating si Freda sa SJS CDG Building at dumiretso siya sa room na inuukopa ni Lala. Agad siyang kumatok sa pintuan ng mapansin niyang nakapinid parin ito katibayang naroon pa siya sa loob ng kuwarto. " Lala are you there? " subalit nakakailang tawag na siya sa kaniya pero wala paring Lala na nagbubukas ng pintuan. Mga ilang sandali pa ay dumating narin doon si Allen na alalang alala kay Lala. " Oh mabuti at nandito ka na rin, im still worried dahil kanina pa ako tawag ng tawag sa kanya pero hindi parin niya ako pinagbubuksan ng pintuan. " nagaalalang pahayag ni Freda. Muling naisipan ni Allen na tawagan ang cellphone ni Lala subalit hindi na ito makontak hindi tiyak ni Allen kung sinadya ba itong i-off ni Lala or kusa na itong na drain ang battery. Nang matapos ang ilang malala

