Siniyasat ni Allen ang unit na kanyang inupahan kasang ayon sa instructions sa kanya ni Detective Leumas Nugas. Isa itong medium sized apartment na may dalawang silid sa ikalawang palapag. Kaagad siyang nagtungo doon at dumiretso sa may glass window na natatakpan ng kulay gray na blinds. Marahan siyang sumilip doon sa tiyak na direksiyon na kailangan niyang manmanan. Ayon sa kanilang head ay malakas ang kutob nito na may kinalaman din ang mag asawang CHAN sa nangyari kay Mr. James Perez at posible diumano na kasabwat ang mga ito ni Mrs. Veronica Perez. Pero kailangan nila ng sapat na ibidensya upang patunayan ang pagkaka involved ng mga ito sa nangyaring pagkamatay ni Mr. James Perez. Napaka convenient ng lugar na kanyang napili para subaybayan ang activity ng mag asawang CHAN, mula sa bi

