Pagkatapos ng tawag ay malungkot na lumapit si Hanz sa kanyang asawa. Kinuha niya ang mga kamay nito bago dinala sa kanyang bibig upang halikan. Nagtaka pa siya sa kamay ng asawa ngunit binalewala niya iyon dahil okupado ang isip niya sa problemang natanggap mula sa isang tawag. “I’m so sorry, Sweetheart, mukhang hindi na kita masa-sabayan pa sa pagkain, dahil nagkaroon ng emergency problem sa site at kailangan nila ang presensya ko doon.” May pag-aatubili na paalam nito sa kanyang asawa. “It’s okay, maybe tonight? Can we have a dinner date because we have important things to discuss about us.” Malumanay kong sabi habang nakapaskil ang isang magandang ngiti sa mga labi ko. “Oh, I love that, sure, Sweetheart. I’m gonna go now.” Pagkatapos sabihin iyon ay nagmamadali na itong tumalikod.

