Mabilis na bumaba si General Gronovius sa kanyang sasakyan maging ang mga sundalo na sakay ng ilang track. Mabilis na tumayo ng tuwid sina Major at ang lahat ng mga sundalo na nasa ilalim ng departamento nito. Halos i-isang tao na sumaludo ang mga ito habang nanatiling hawak ng mga ilang sundalo ang nakaluhod na si Summer. Hindi naman maintindihan ng mga baguhan kung ibababa ba nila ang kanilang mga baril at sasaludo sa bagong dating na tulad ng ginawa nila Major. Ngunit ng makita nila na walang balak bitawan ng mga tauhan ni Major ang kasamahan nilang si Summer ay mas pinili nila na manatiling nakatutok ang kanilang mga baril sa kanilang kabaro. “Anong nangyayari dito? Matigas na tanong ni Gen. Gronovius, nagngangalit ang mga bagang nito habang nakatingin kay Summer. “May nagtraydor

