Hanz Point of view “Pagdating ko sa bahay ay sumalubong sa akin ang tahimik at madilim na kabahayan. Hindi ko maramdaman ang presensya ng aking asawa sa paligid. Ewan ko ba, pero nakaramdam ako ng matinding kahungkagan. “Summer!” Tawag ko sa pangalan nito nagbabakasakali na nandito pa siya. Malaki ang mga hakbang na tinungo ko ang ginagamit nitong kwarto. Kinapa ko ang switch ng ilaw at ng bumaha ang liwanag sa kabuuan ng silid ay napako ang mga mata ko mula sa isang papel na nasa tabi ng lampshade. Pagkatapos kong ilibot ang aking mga mata sa kabuuan ng silid ay nanghihina na humakbang ako palapit sa maliit na lamesa. Ganun na lang ang panlulumo ko ng mabasa ko na isa itong divorce paper. Inalis ko ang ballpen na nakapatong sa ibabaw nito saka ko pinasadahan ng tingin ang nilalaman nit

