——————- “Isang mapanganib na ngiti ang lumitaw mula sa sulok ng bibig nito at ilang sandali pa ay mula sa likuran ng babae, lumitaw ang isang tigre na may mabangis na mukha. Pumihit paharap sa kanyang alaga ang babae. Bumaba ang mukha nito sa ulo ng tigre at isang banayad na halik ang iginawad nito sa kanyang alaga. Sa ginawa ng babae ay marahas na umungol ang tigre habang nakatitig sa akin ang matalim nitong mga mata. Nagsimula sa marahang paghakbang ang tigre habang nanatiling nakatitig ito sa akin, maingat na umatras ang aking mga paa habang ang dalawang kamay ko ay nanatiling nakalahad sa ere. Sa isang iglap ay matulin akong tumakbo kaya naman nagsimula na ring tumakbo ang tigre patungo sa direksyon ko. Mabigat ang bawat bagsak ng aking hininga dahil patuloy lang ako sa matuling pagt

