Ang bawat hampas ng alon sa dalampasigan ay tila musika sa aking pandinig, at sa pagmulat ng aking mga mata ay ang maaliwalas na kapaligiran ang tumambad sa aking paningin. Sadyang makapangyarihan ang may kapal dahil sa matalino niyang paglikha ay malaya kong nasisilayan ang natural na ganda ng kalikasan na animoy nasa isang paraiso. Labis akong nagpapasalamat sa kanya dahil nilikha niya ang gwapong lalaki na nasa aking harapan kaya naman walang pagsidlan ang labis na kasiyahan sa puso ko. Napasinghap ako ng bigla akong kabigin ni Hanz palapit sa kanya at saka mapusok na hinalikan ang aking mga labi. Kaagad na tinugôn ang mga halik nito kaya ang simpleng halik ay nauwi sa isang mainit na tagpo. Nasa Ikatlong araw na kami ng honeymoon namin dito sa England at bukas ay babalik na kami sa M

