Seryoso ang mukha na pumasok ako sa loob ng opisina ni General, pagdating sa harap nito ay nakastand straight na kaagad akong sumaludo sa kanya habang ang aking ulo at mga mata ay nakalock sa isang direksyon lamang. “Please sit down, Hilton.” Ani nito sa akin sa seryosong tinig, kaagad naman akong sumunod at naupo ako sa harap nito. Nandito ako ngayon sa kanyang opisina upang mag report. Katatapos lang ng honeymoon naming mag-asawa kaya naman balik trabaho na ulit ako. Napansin ko na parang may bumabagabag sa aking ninong dahil mabigat ang bawat buntong hininga na pinapakawalan nito. Hindi na ako nakatiis kaya nagtanong na ako. “May problema ba Nong?” Nag-aalala kong tanong, nag-angat siya ng mukha at makahulugan na tumitig sa akin ang mga mata nito. “Nababahala na ako dahil sa sunod-

