"The enemy is forty-five kilometers away from your location, roger.” Pagbibigay impormasyon sa akin ni Pisces kaya mabilis na akong sumakay sa aking ducati. “Copy, roger.” Mabilis kong sagot na ngayon ay matulin ng pinapatakbo ang aking motor. Sa bilis nito ay wari moy sumasayaw ang motor ko sa kahabaan ng highway. And just a few minutes ay mabilis kong narating ang lokasyon ng kalaban. Patago kong ipinarada ang aking motor sa isang madilim na bahagi ng lugar. Mula sa likuran ng malamansiong bahay ay inakyat ko ang isang mataas na puno. Maingat ang bawat kilos ko, ni katiting na kaluskos ay wala kang maririnig. Tumulay ako sa isang malaking sanga habang hawak ko sa kanang kamay ang isang baril na may silencer. Ngunit hindi ko inaasahan ang isang tunog ng baril at isang bala na kamuntika

