Chapter 79

1034 Words

Hinihingal na itinukôd ni Summer ang mga kamay sa ibabaw ng kanyang tuhod habang ang mga mata ay matalim na nakatitig sa mukha ng lalaki na nasa kanyang harapan. Nawala na ang kaputian ng suot niyang t-shirt dahil sa mga dugong natuyo at mga putik na dumikit sa kanyang katawan ng gumapang siya kanina sa lupa. Kahabag-habag na ang kanyang itsura ngunit hindi pa rin maitatago ang kagandahan nito mula sa ilang bahagi ng kanyang mukha na nanatiling malinis. “Pasensya na, pero walang kasiguraduhan na makakalabas ka pa dito ng buhay.” Mayabang na wika ng lalaki, kasabay ang paglitaw ng isang matalim na ngiti sa sulok ng bibig nito. Ngunit nanatiling blangko ang expression ng mukha ni Summer. Ilang sandali pa ay mahigpit na kumuyom ang kanyang mga kamay, inihanda ang sarili para sa paparati

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD