“Where’s my wife!?” Galit na tanong ko sa isang lalaki na nagpakilala sa akin na Clinton. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa kwelyo nito, nanginginig na ang katawan ko dahil sa matinding pagpipigil na huwag itong suntukin sa mukha. Pagkatapos naming magtalo ni Summer nang araw na ‘yun ay hindi ko rin natiis ang aking asawa kaya sinundan ko ito sa kanilang campo. Doon ko lang nalaman na nagpasa na pala ito ng resignation letter at ayon kay General ay hindi pa nga daw ito naipa-process dahil kailangan pa na mag report ni Summer sa kanilang opisina. Naguguluhan ako sa mga nangyayari, bakit kailangan pa niyang magpaalam sa akin para sa isang misyon kung nagre-sign na pala siya sa trabaho. Nang araw ding ‘yun ay nalaman ko mula kay General na ilang araw na hindi nagrereport sa kanya ang aking as

