Chapter 2

1390 Words
Vena's POV Nakarating kami sa Pilipinas pasadong 8am na. Nasa likuran namin ang limang bodyguards habang nasa gilid ko naman si Linda, ang nagsisilbing nanny ni Sky. Hawak ko naman sa kaliwang kamay si Sky, manghang-mangha pa siya sa mga taong naka mask habang naglalakad kami, well first time niyang lumapag sa Pilipinas, sa France ko kasi siya pinanganak that's why he used to speak english more, kesa sa tagalog. "Where are we heading, Ma'am Vena?" tanong ng driver. "Straight sa mansyon ni Kace po," magalang na sagot ko. Pinaupo ko si Sky tabi sa akin habang si Linda naman ay nasa harapan, iyong limang guards naman ay may sariling kotse. Habang naglalakad nga kami kanina, panay tingin ng mga tao sa amin, 'yung iba ay namangha pa dahil sa taas ng buhok ng anak ko at sa limang gwardiya na nasa likuran namin, what's the big deal? First time ba nilang makakita ng ganito? I admitted din naman na foreigner look itong anak ko, parang artista or mas nilamangan pa talaga ang artista. Gusto ko sanang I-braid ang buhok niya kaso, dahil nagmamadali ako? Hinayaan ko na lang na naka lugay. Habang umaandar ang sasakyan, tuwang-tuwa naman si Sky sa nakikita niya, nag early leave ako sa pinagtra-trabahuanko 'saka pinag vacation ko ng ilang months si Sky dito sa Pilipinas, hindi kasi madali itong trabahong haharapin ko. Sigurado akong matatagalan pa 'to. Hindi naman mahaba ang byahe papuntang mansyon ni Kace, kilalang-kilala pala ang mansyon ni Kace dito sa Pilipinas. May nadaanan pa kaming karatula na ang nakalagay ay "WELCOME TO SOCIETY VILLAGE" pag pasok namin, bumungad sa amin ang mga malalaking bahay, kung I de-describe ko ito, hindi ito bahay lang. Mansyon na talaga 'to, sa unang mansyon na nadaanan namin may naka lagay na. Roswell Property, Montefalco, Donovan, Hanggang sa natagpuan na namin ang mansyon ni Kace, may naka ukit na Velasquez. May iilan pang mansyon pero hindi ko na binigyan ng pansin kaya lang? Kumunot ang noo ko ng makita ko ang last name na naka ukit sa tabi ng mansyon ni Kace, SANTFORD. Santford? Dito din kaya nakatira ang head ng hospital ni Kace? Good, para naman mapag-usapan namin ang dapat na gawin, sana naman ay mabait siya. "Wow, Mommy!" manghang usal ni Sky ng makalabas na kami sa loob ng sasakyan. Pati si Linda ay namangha din, sabagay sino ba naman ang hindi mamangha sa mansyon na ito? Halatang bilyonaryo ang mga nakatira dito. Sumisigaw ang pera sa mansyon nila eh, at 'yung mga names na nakaukit? Halatang mayaman. "Ang ganda ng mga bahay, Ma'am, ang yayaman ng mga nakatira dito." "Yeah, pumasok na tayo." Pag bukas namin ng pintuan, bumungad sa amin ang tahimik na paligid pero dahil sa kakulitan ni Sky, umingay ang mansyon, sobrang gara ng mansyon, mas malaki pa ito kesa sa bahay namin sa France, may sampong kwarto ang mansyon at bawat kwarto ay may sariling banyo at kusina, may mga paintings din si Kace, hindi ko lang maintindihan, may presyo pa ang mga paintings at halos 'di ako makahinga sa 609,000. Para lang 'yan sa paintings ah. "May basketball area, Mommy!" Masayang sigaw ng anak ko. Tumango naman ako, hinila niya si Linda papuntang basketball area, kayat natawa na lamang ako. Mukhang mag e-enjoy si Sky dito ah. May sariling bar counter din ang mansyon, library, pool, bags collections na sa tingin ko ay pagmamay-ari ng asawa ni Kace na si Freena, may mga make ups din, damit, sapatos, sandal lahat ng 'yan ay may mga sariling closet. Honestly ang laki ng mansyon, hindi ko akalaing ganito kagara ang mansyon ni Kace, ang yaman-yaman ng gagong iyon eh! May mansyon din 'yun sa States at France, Japan at dito sa Pilipinas. Wala na akong ibang masabi sa mansyon ni Kace, sobrang ganda! Sobrang lawak ng kusina parang kasya na ang limang kwarto, grabe na ito ah. Malaki din ang tv na parang sakop ang isang silid, lahat ng kwarto ay may sariling chandeliers din, king size bed, queen size bed ang kama. 'Yung ibang kwarto ay naka locked, lima lang ata ang naka bukas kaya pumili ako kung saan kami matutulog ni Sky. Tuwang-tuwa pa si Linda dahil mukhang prinsesa daw siya sa kwarto niya, ang laki daw kasi. Well, ang huling masasabi ko na lang, hindi ordinaryong tao ang nakatira dito, sobrang yaman nila 'yung tipong kaya nilang bumili ng isang hacienda. Hindi lang sila bilyonaryo or milyonaryo. Sobra pa! Swerte ng mga mapapangasawa nila, lalo na si Freena, ang swerte niya kay Kace Gunner Velasquez, 'di lang mabait, sobrang yaman pa. "Mommy! I want to swim, come with me, Mom," tawag sa akin ni Sky ng makita niya akong pababa ng hagdan, wala na siyang pang itaas na damit ngayon. Sa likuran niya naman ay si Linda na naka iksing short at sports bra, mukhang lalangoy din ito ah. "Hindi ba malalim ang pool?" tanong ko ng tuluyan na akong makababa. "May pambata naman po Ma'am," "I can swim naman, Mommy, kahit na sa malalim. I'm not scared of anything anyway." Mabilis akong umiling sa anak ko at natawa. Of course baby, you aren't afraid of anything like your Dad. "Sige, ako na maghahanda ng meryenda ninyo." "Talaga Ma'am? Pwede naman ako na lang Ma'am," "No, it's okay, wala naman akong gagawin." "Salamat, Ma'am!" Tumango na lamang ako sa kanilang dalawa, umingay ang tahimik na mansyon dahil sa kanilang dalawa. Ang mga gwardiya naman ay nasa loob at labas ng mansyon, wala palang maids dito ngayon kayat solong-solo namin ang mansyon. "Ma'am may gusto po daw kumausap sainyo, nasa kabilang mansyon po," pansin sa akin ng isang gwardiya. "Papasukin mo." utos ko sa kanya, agad niya namang sinunod. Pagkatapos kong mag fried ng tinapay at timpla ng juice, nilapag ko ito sa lamesa, nag luto din ako ng steak para sa akin dahil kanina pa ako nagugutom. "Good evening, where's Kace?" Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang malamig na boses ng isang lalaki. Siguro ito na iyong tao sa kabilang mansyon. Pinunasan ko ang kamay ko 'saka akma na sana siyang haharapin nang pumasok sa kusina si Sky habang tawa ng tawa, nabangga niya pa ang lalaking naka tayo sa harapan ko kayat nanlaki ang mata ko lalo na't bumakas ang iritasyon sa mukha niya. s**t! "I'm sorry, Mister," hinging tawad niya sa lalaki 'saka tumakbo papunta sa akin. "What's wrong baby?" tanong ko at pinantayan ang height niya, ramdam ko naman ang matalim na tingin ng lalaki sa amin kayat inangat ko ang tingin ko. Bigla akong ginapangan ng kaba ng tuluyan ko ng makita ang anggulo niya, matagal ko siyang tinitigan na tila matagal ko nang nakita ang mukha niya. Kita ko ang pag silay ng ngisi niya sa labi, at pag lingon niya sa anak ko na ngayon ay nakatalikod parin sa akin. He looks familiar for me! Fvck! Bakit nakakatakot ang ngisi niya? Pero ang gwapo niya talaga. "Ahm...Baby, pumunta ka muna kay nanny Linda mo, may kakausapin lang si Mommy, 'kay?" "Okay, Mommy!" mabilis na sagot niya at tumakbo na naman. Sinundan siya ng tingin ng lalaki. "Careful kiddo!" paalala niya ng makitang madadapa na sana 'to, pero 'di siya pinansin ni Sky sa halip ay kumaway lang 'to habang nakatalikod. "Sit down," panimula ko kahit na kinakabahan. Parang kilala ko talaga siya eh, saan nga ba 'yon? "So, you gave birth already to your child huh. It's been 6 years past already." sumilay na naman ang ngisi sa labi niya sanhi ng pag taas ng balahibo ko sa balat. What does he mean by that? Did we meet before? "You know me?" Kunot noo kong tanong habang nakatitig na naman sa kanya, and realization hits me. "I knew you very well, Miss Vena." seryosong sambit niya kasabay nito ang pag tagis ng kanyang panga na tila may malaki akong kasalanan. Bigla akong nanlamig, hindi ko alam kung bakit. Bakit ganito ang nararamdaman ko pag dating sa kanya? Who is he?! "Who are you?" "My last name is Santford, nice to meet you." malamig na sagot niya. May nag pop naman sa utak ko. "Oh my gosh! Ikaw ang head Doctor sa hospital na aaplayan ko?" ngiting tanong ko. Pero kumunot ang noo niya na mukhang hindi makapaniwala sa reaksyon ko. What's wrong? "Fvck!" mura niya. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD