Artemis Thaleia's Pov Boring. Wala nang iba pang salita ang magbibigay ng tamang deskripsyon sa mga araw ko pagkatapos kong mapatay si Furikawa Kiyozaki kung hindi ang salitang 'yon. Liri and Mallory are both busy for the last touches of Liri Blair's wedding preparations...nasa Genoa silang dalawa. "My lady, h-hindi n'yo po muna dapat inalis ang benda ng sugat n'yo." Saad ni Calliona nang mamataan n'ya 'kong nanunuod ng balita. I sighed and turned at her. Worriedness is all over her face. I smiled. "Ayos na 'ko, hindi naman 'to gano'n kalala maging ang mga sugat ko sa likod. Magdadalawang linggo na kaya 'to." Napawi ang pilit na ngiting suot ko. Magtatatlong linggo na simula nang lumipad si Sin patungong Russia, ilang araw na rin n'ya 'kong hindi tinatawagan. "N

