Two

2484 Words
Two SA isang kilalang subdivision dinala ng mga lalaking kumuha sa kanya sa bahay nila. Pero wala na siyang pakialam sa kung saan siya dadalin nito ngayon, ang nasa isip niya ibinenta siya ng sarili niyang pamilya. Mula sa bahay nila hanggang sa kung saan man siya dinala ng mga ito umiiyak lang siya. "Young Lady"tawag sa kanya ng lalaking kaninang humila sa kanya mula sa loob ng bahay nila. Hindi niya ito pinansin kaya naman nagulat siya ng may humawak na naman sa kanyang braso. Paglingon niya isang babaeng naka men in black din na outfit ang nandoon at may hawak sa braso niya. "Young Lady"nakayuko ito sa kanya. Hindi naman niya makuhang magsalita dahil na din sa pagkabigla niya. lalo pa ng makita kung nasaan sila naroon ngayon. Isang napakalaking bahay, na hindi na yata bahay dahil sa tingin niya palasyo na sa sobrang laki. Hindi niya alam na mayroon palang ganitong klase ng bahay sa Kamaynilaan. Halatang halata na sobrang yaman ang may-ari ng bahay na ito. Talagang mayaman siya nagawa ka nga niyang bilhin sa pamilya mo. Hanggang sa makapasok siya sa loob naghuhumiyaw na karangyaan ang nandoon, lahat ng sulok ng bahay na iyon ay kitang kita na mahal ang nagastos para mabuo ang bahay na iyon. Pagpasok niya sumalubong sa kanya ang nakalinyang mga nakaputing babaeng sa tantya niya ay nasa mga bente na lahat ay nakayuko sa kanya. Hindi naman niya magawang makapagsalita ulit, kasi naman nalunok na yata niya ang dila niya sa sobrang pagkabigla niya sa lahat ng nangyari sa buhay niya sa loob lang ng ilang oras. "Young Lady, sumunod nalang po kayo sa mga tagapagsilbi niyo"utos sa kanya ng babaeng may akay sa kanya kanina. Nalilito man pero sinunod niya ang sinabi nito. sumunod siya sa limang kababaihan na naglalakad na patungo sa ikalawang palapag ng bahay. Tahimik lang siyang sumunod sa mga ito, nagmamasid siya sa kabuuan ng bahay. Nalulula na nga siya sa sobrang laki nito at engrande ng pagkakaayos ng mga gamit doon. "Dito po young lady ang inyong magiging kwarto."turo sa kanya ng isa sa mga kababaihan kasama niya. Alangan na pumasok siya sa loob ng kwartong itinuro sa kanya. kasunod naman niya ang mga babaeng kanina na akala niya hindi na siya sasamahan pa sa loob. Pero mas nagulat siya sa lahat ng igiya siya ng mga ito sa loob ng banyo at sinabing paliliguan siya ng mga ito. kailangan daw nilang sundin ang mga utos sa kanila ng amo ng mga ito ng tumanggi siya sa mga sinabi ng mga ito. Ilang na ilang siya kasi naman as in lahat ng kasingit-singitan niya nakita na at kinuskus pa ng mga babaeng kasama niya. pakiramdam niya para siyang nasa sinaunang panahon siya na kailangan siyang ihanda ng mga ito para hari. Pagkatapos siyang paliguan ng mga ito binihisan din siya ng mga ito ng isang eleganteng gown na ngayon lang niya nasubukan na magsuot ng ganon. "Young Lady, tayo na po sa dining room para kumain ng tanghalin"aya sa kanya ng isa sa mga tagasilbing nandoon. Naiilang siya dahil sa nasa bahay lang naman siya pero heto at nakagown pa siya. "Pwede bang magpalit muna ako ng damit"sagot niya dito. Tiningnan siya nito bago ngumiti sa kanya at umiling. Kaya naman wala na siyang nagawa pa kundi ang sumunod nalang sa babae. Pagdating niya sa dining room halos lumuwa ang mata niya sa sobrang pagkamangha sa nakikita niyang ayos ng lamesa. Daig pa ang pasko sa sobrang dami ng handang pagkain sa lamesa. Para ngang fiesta sa sobrang dami, ang haba ba naman ng lamesa na pinaghainan at puno ang lamesa. Sa tingin nga niya kayang ubusin ng isang daang tao ang pagkain na nasa lamesa ngayon. "Ang dami naman ng pagkain na ito?"hindi na niya napigilang sabihin. Pinaupo siya ng isang kasama niyang taga silbe sa pinakadulo ng kumedor. Hindi naman siya makapagsimulang kumain dahil hinihintay pa niya ang iba pa niyang kasamang kakain. Nakakahiya naman na mauna siya samantalang ang mga kasama niya at nandoon at nakatayo pa. "Young Lady, hindi niyo po ba gusto ang nakahandang pagkain?"tanong sa kanya ng isang may edad na babae na nakatayo sa bandang kanan niya. Nilingon niya ito at tiningala, bakas sa maamo nitong mukha ang pagkabahala sa hindi niya pagkain. Maging ang ibang mga babaeng nandoon na nakatayo sa malapit sa kanya ay makikitang nababahala din sa hindi pa niya pagkain. Nakakapagtaka naman ang ikinikilos ng mga ito sa kanya. "Hindi naman po sa ganon, kaya lang hindi pa po kasi kayo umuupo"magalang na sagot niya. Nagkatingin ang mga ito at napangiti naman ang matandang ginang na nasa kanan niya habang nakatingin sa kanya. "Young Lady, hindi niyo po kailangan na hintayin kaming umupo. Kayo lang po ang kakain ngayon. Kaming mga tagasilbi ninyo ay nandito lang para hintayin kung may maipag-uutos pa kayo"maganang tugon ng kausap. Sa pagkabigla naman niya napatayo siyang bigla sa kinauupuan niya. Mukhang alam na niya ang patutunguhan ng pag-uusap na ito. alam na din niya ang trato sa kanya ng mga tao sa kanya. pero ang hindi niya maintindihan hindi ba binili lang naman siya ng may-ari ng bahay na ito. bakit parang itrato siya ng mga ito parang isa siyang prinsesa. "Young lady"gulat na tawag sa kanya ng matandang kausap ng magsimula na siyang maglakad. Sa sobrang dami ng iniisip niya hindi na niya pinansin pa ang mga tumatawag sa kanya. deretso lang siyang naglakad hanggang sa makalabas na siya ng bahay na iyon. pero hindi naman niya matanaw ang gate, ngayon lang niya pansin na malawak pala ang bakuran ng bahay kung nasaan siya. "Young Lady!"tawag ng mga tagasilbi niyang nakasunod sa kanya. Natatakot na siya sa mga ito, feling niya any time kakatayin na siya ng mga ito kung makabantay sa kanya ang mga ito. "Huwag niyo akong sundan!"ganting sigaw niya sa mga ito. Para makalayo siya sa mga ito tinanggal niya ang suot niyang high heels at iniitsa niya ang mga iyon sa kung saan, at hinapit niya pataas ang mahaba niyang palda para makatakbo siya ng mabilis. Kailangan niyang makatakas dito, bakit nga ba hindi niya iyon naisip kanina noong nasa bahay palang nila siya. Sana kanina tumakbo na siya at tumakas sa kapalarang ito. hindi niya alam kung sino ang bumili sa kanya, pero isa lang ang malinaw na mangyayari sa kanya. Magiging s*x slave siya ng kung sinong bumili sa kanya. Ano pa bang pakinabang sa kanya ng kung sinong taong bumili sa kanya kundi ang bagay na iyon. Sa isiping iyon mas lalo niyang binilisan ang pagtakbo niya para makatakas sa lugar na iyon. "Young Lady!"tumatakbo na din ang mga babaeng nakasunod sa kanya ngayon. Patingin-tingin siya sa mga nakasunod sa kanya kaya naman hindi niya napansin na may kasalubong pala siyang mga tao sa harapan niya kaya naman nabangga siya sa isang taong nasa harapan niya. nasaktan pa nga siya sa sobrang tigas ng dibdib nito pakiramdam niya parang bumangga siya sa pader sa sobrang tigas. Matutumba sana siya kundi lang siya nasalo ng kung sino mang nabunggo niya. "Trying to escape"sabi pa ng boses na sobrang lalim at lalaking lalaki ang dating. Napatingala naman siya sa lalaking nakasalo sa kanya at ganon nalang ang pagsinghap niya ng magkita ang mukha nito. Matiim na nakatitig ito sa kanya, seryosong seryoso ang mukha nito na nakatitig sa kanya. kitang kita din na hindi nito nagustuhan ang ginawa niyang pagtakbo. Pero bukod doon para siyang nakatitig ngayon sa isang greek God, matangos na ilong, prominenteng hugis ng mukha, makapal na kilay, manipis na labi na mamula-mula, bilugan at sobrang itim na mga mata. In short handsome, gorgeous, sexy, greek god, macho, umaapaw na sexy appeal teka lahat na yata ng pwedeng gamiting pangdescribe sa lalaking may hawak sa kanya ngayon nasabi na niya. hindi na nga inshort ang tawag doon kasi ang haba din ng nasabi niya. "Master!"napasinghap pa ang mga sumusunod sa kanya ng makita kung sino ang nakapaghinto sa kanya. "Didn't I order every one of you to look after her?"ma-otoridad na baling nito sa mga babaeng nakasunod sa kanya. Maging siya napaigtad sa lakas ng boses nito na, kinabahan din siya sa sobrang tapang ng mukha nito habang nakatitig sa mga babaeng nakasunod sa kanya. "You're all fired!"dagdag pa nito. Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. nilingon niya ang mga babaeng kanina lang ay nakasunod sa kanya na ngayon ay nakayuko na ang mga ito at alam niyang mga nag-iiyakan na ang mga ito. Hindi pa siya nakakabawi sa pagkabigla niya ng walang ano-ano ay binuhat siya ng lalaking may hawak sa kanya na parang nagpasan ito ng sako sa balikat nito. "Ibaba mo ako!"nagpupumiglas siya pero hindi man lang natinag ang lalaking nagbubuhat sa kanya. Nagsimula na itong maglakad pabalik sa bahay nito habang buhat siya nito. hindi naman siya tumigil sa pagpupumiglas kahit na nahihilo na siya sa sobrang pagpalag niya. "Ibaba mo ako sabi!"sigaw niya. "Shut up!"singhal din sa kanya nito. Nanlaki pa ang mata niya ng maramdaman niyang hinampas siya nito sa kanyang pang-upo para patahimikin at sawayin siya sa pagpupumiglas niya. "Bastos!"sigaw niya at mas lalo pa siyang nagpumiglas. Pero napatili siya ng walang ingat siya nitong binaksak sa isang matigas na bagay. Nahilo siya sa sobrang bilis ng pangyayari kaya hindi niya agad napansin na nakaupo na naman pala siya sa kinauupuan niya kanina kung saan dapat ay kakain siya. Kung kanina madami ng tagasilbing nandoon ngayon mas dumoble ang dami nila at halata ang takot sa mga mukha ng mga ito. nandoon pa din ang matandang babaeng kumakausap sa kanya kanina. "Master"yumuko pa ang matanda sa lalaking kanina lang may buhat sa kanya. "Feed her"utos ito bago ito umalis sa dining room. Parang robot na agad namang nagsilapitan sa kanya ang tatlong babaeng nasa tabi lang kanina at ito na mismo ang naglagay ng pagkain sa plato nito. "Young Lady, kumain na po kayo please"nanginginig ang boses na bulong sa kanya ng isa. Napamaang naman siyang napabaling sa babaeng bumulong sa kanya, kita niya ang takot sa mukha nito maging sa iba pa nitong mga kasama. Naiinis man siya sa naging resulta ng pagtakas niya kanina kumain na din siya kasi naawa siya sa mga babaeng nandon ngayon at nagsisilbi sa kanya. ______________________ Nang matapos siyang makakain dinala lang siyang muli ng mga kababaihan sa kwarto kung saan siya dumeretso kanina. Wala naman siyang ibang ginawa sa buong maghapon na iyon, kundi ang tumambay lang ng tumambay. Naalala niya ang trabaho niya ng sumapit na ang oras ng shift niya. alam niya magtataka ang mga katrabaho niya maging ang kaibigan niya. Pero wala naman siyang magawa dahil nakakulong siya ngayon dito sa loob ng kwarto niya. Kanina kasi tinangka na naman niyang tumakas sa pinto palang napigilan na siya dahil may dalawang lalaking nakatayo doon at binabantayan ang pintuan niya. "Young lady"tawag sa kanya ng isang babaeng kakapasok lang. Nang lingunin niya ito nakilala niya ito na siyang bumulong sa kanya kanina. Nakangiti na ito sa kanya ngayon, napataas ang kilay niya ng makitang may dala itong tray ng pagkain. Mukhang hindi na siya palalabasin ng kwartong iyon dahil dinalhan nalang siya ng hapunan niya sa kwarto. "Janette nalang"kimi niyang sagot dito ng makalapit ito sa kanya. "Naku, hindi po pu-pwede young lady, baka matanggal ako sa trabaho kapag ginawa ko iyon"tigas ang iling nito sa sinabi niya. Napataas na naman ang kilay niya sa sinabi nito. mukhang sa lahat din ng mga tagasilbi doon ito ang magiging kaclose niya kung magkakataon. Mukha kasing madaldal at mabait ito, madaling makakapalagayan niya ng loob. Naisip din niya magagamit niya ito kung sakali, para makatakas siya dito. "Anong pangalan mo?"tanong niya dito. "Mindy po young lady"masayang sagot nito. "Mindy...sabi ko naman sayo Janette nalang. Kahit kapag tayo lang dalawa ang magkaharap. Mukha naman kasing magkaedad lang tayo"aniya dito. "Hindi pa din po pwede young lady"tanggi na naman nito. Napabuga nalang siya ng hangin sa pagsukong mangulit dito. Inihanda na nito ang pagkain niya, kaya naman kinain nalang niya ito, baka mamaya niyan mapagalitan na naman ito kapag nagmatigas na naman siya. "Ah Mindy kamusta iyong mga babaeng sumunod sakin kanina noong tumakbo ako?"tanong niya sa mga babaing alam niyang tinggal kanina noong lalaking tinawag nilang Master. "Ahh, wala na po sila young lady. Hindi po nila nagawa ang trabaho nila kaya natanggal na sila"malungkot na sagot nito sa kanya. Nakaramdam naman siya ng guilty, sa nangyari kung hindi siya nagmatigas hindi sana nawalan ng trabaho ang mga iyon. kasalanan niya ang lahat. "Wag po kayong malungkot young lady, ganon po talaga dito sa mansion kung hindi magagawa ng isa sa amin ang trabaho namin, madali lang kami matatanggal sa trabaho namin ni Master"aniya na pinasaya ang boses niya. Hindi na siya nagsalita pa at nagpatuloy ng kumain kahit na nawalan na siya ng ganang kumain. Kailangan niyang kumain baka kasi mapahamak naman si Mindy kung magkataon. "Young lady, ilang minuto lang po papasok na ulit dito ang mga personal stylist niyo para ayusin kayo sa pagtulog. Magandang gabi po young lady"paalam nito ng matapos siyang kumain. As if on cue, paglabas ni Mindy siyang pagpasok naman ng mga babaeng siyang nagpaligo sa kanya kanina at nag-ayos. Gaya kanina pinaliguan na naman siya ng mga ito at binihisan ng pantulog. Isang lace chemise na kulay itim ang isinuot ng mga ito sa kanya. Hindi lang iyon ang dami pang kung ano-anong bagay ang ipinahid sa kanya ng mga ito. kung aamuyin siya ngayon sobrang bango niya, hindi lang kasi isang lotion ang ipinahid ng mga ito sa kanya, buong katawan na yata niya pinahiran ng mga ito. winisikan pa siya ng mga ito ng pabango at nilagyan ng manipis na make-up. Parang hindi naman siya matutulog dahil sobra ang gayak niya. Pero naalala niya, nandoon nga pala siya kasi nabili siya ng may-ari ng bahay na iyon. kaya malaman para siyang pagkain na inihanda para sa kakain sa kanya. Napangiwi siya sa naisip niyang kainan portion. Wala siyang kahit na anong experiend sa naiisip niyang kahihinatnan niya ngayong gabi, naiiyak na napaupo siya sa gilid ng kama. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya ngayon. Lalo pa siyang naiyak ng muli naalala niyang nagawa siyang ibenta ng sarili niyang ina. Niyakap niya ang binti niya at isinobsob ang mukha niya doon at umiyak ng umiyak. Nasa kalagitnaan siya ngayon ng pag-iyak niya nang bumukas ang pinto ng kwarto niya. hindi niya magawang iangat ang mukha niya para tingnan ang kung sino mang taong pumasok sa loob ng kwarto niya. Pero nanindig ang balahibo niya ng humalo sa hangin ang panlalaking amoy nito. "Damnit!"narinig niyang mura nito. Doon naman siya napaangat ng mukha, nagtagpo ang kanilang mata ng lalaking bumuhat sa kanya kanina na parang sako ng bigas at ang tinatawag ng lahat na MASTER. Hindi pa man siya nakakapagreact, sinunggaban na siya nito ng maalab at mainit na halik sa kanyang mga labi. Huli niyang naalala nakapatong na ito sa kanya at sinisimulang hubaran ng kanyang suot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD