Chapter 1

2164 Words
Dalawang minuto na lang bago ang alas-sais. Mabilis na hinanap niya ang timecard at nag punch. Nakahinga siya ng maluwag ng makita ang oras na nakarehistro sa kan’yang timecard at ibinalik iyon. “Late ka?” Si Karlo pala ‘yon, ang isa sa mga crew ng pinagtatrabahuhan niya. “Nope! Last minute!” natatawang sabi niya. Maya-maya ay ini-abot nito ang apron niya. Buti na lang wala ‘yong manager nila dahil siguradong binubungangaan na naman siya nito. Naging abala siya sa mga sumunod na mga oras. Kaya naman pag-uwi niya ay para siyang lantang gulay. Buti na lang katatapos lang ng isang manuscript niya kaya naman nagpahinga muna siya. Alas-diyes na siya nagising kinabukasan kaya wala na siyang naabutang almusal sa kinakainang karinderya. “Good morning, Nana Lucing!” bati niya sa may-ari ng kainan na siya ring cook. “Good morning din Dominique, mamili ka na d’yan. Masasarap ‘yan, murang mura pa,” nakangiting sabi nito. “Sus, Nana, ‘di mo na po kailangang sabihin ‘yan, proven na!” tugon niya ditong nakangiti din.“Ginataang langka at pritong galunggong nga Nana, samahan mo narin ng sabaw at coke. Yong rice ko alam niyo na kung ilan po,” sabi niya at pumuwesto sa pinakagilid na upuan. “Okay, Dom-dom,” napatingin siya sa gawi ni Erick, ang apo nito at siya ring assistant. Matamis na nginitian niya si Erick. ‘Di niya kasi napansin kanina dahil kay Nana Lucing siya nakatingin. Labing-apat na taon na ito. Nasanay na siyang tawagin nitong Dom-dom. Cute nga eh kaya hinayaan na lang niya ito. Habang hinihintay ang order ay naglaro muna siya sa cellphone. As usual, Wordscapes. Nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip ng may tumatawag. Si Keana. Hindi niya iyon sinagot kay nagtext na lang ito. Sunduin kita mamaya may lakad tayo. Alam kong day-off mo. Text ni Keana. Napailing na lang siya. Lagi na lang itong gano’n, hindi naman kasi yaya iyon. Minsan nga sinosorpresa pa siya nito sa bahay niya. Hindi na niya ito nireplyan dahil sayang sa load. Kuripot kasi siya. Balak pa naman sana niyang mag-divisoria mukhang hindi na naman matutuloy. “Here’s your order, Dom-dom!” ani ni Erick. “Enjoy the food,” nakangiting sabi nito at yumuko pa sa kaniya na animoy sa magarang kainan nagtatrabaho. “Thank you, kulet!” aniya at inilapit ang mga pagkain sa harap niya. Pagkatapos kumain ay naglakad-lakad muna siya. ‘Di niya ininda ang init na nagmumula sa haring araw. Ganito siya ‘pag nagpapababa ng kinain. Pumasok siya sa isang stall na may mga tindang ukay-ukay. Mukhang bagong mga dating. Maga-ganda naman kaya napabili siya. Pagkatapos mamili ay pumunta siya sa malapit na court at balak niyang manood ng basketball. Laging may naglalaro doon na mga taga-roon. Minsan nga nakikisali siya sa pustahan ng mga ito. Papasok na siya ng court ng biglang nagring ang kan’yang cellphone na nasa bulsa. Si Keana ulit. Naiinis na sinagot iyon at lumayo sa court. “What?” inis na sabi niya. “Where are you? ‘Di ba sabi ko sayo susunduin kita?” naiinis ding sabi nito. “Ngayon na ba? Akala ko gabi pa? Wala ka namang sinabi kasi kung anong oras,” siya. “Ay, hindi ko ba sinabi?” tanong nito sa kan’ya. Agad na pinutol iyon at nagmamadaling bumalik ng apartment. Dahil paniguradong magrereklamo na naman ito. Nakita niya ang sasakyan nito siguradong nasa labas ito ng pinto niya. Tama nga ang hinala niya dahil banas na banas na ito. Hindi naman niya kasalanan na naghintay ito. Nginitian na lang niya ito ng makita siya hindi na maipinta kasi ang mukha. Ayaw pa naman nitong naiinitan. “San ba tayo?” tanong niya kay Keana ng makapasok sila sa kaniyang bahay. “Overnight swimming sa Sariaya,” sagot nito at nakaupo sa upuang kahoy niya at pinindon ang electric fan nasa tabi nito. Feel at home talaga ang kaibigan nito. Bakit naman siya isasama nito? Wala naman siyang hilig sa mga ganoong activity. “Umu-o na ba ako sayo? ‘Di ako marunong lumangoy alam mo ‘yan,” sinabi niya lang para maasar ito. Hilig kasi nitong isama siya ng biglaan. “Tsk. Whether you like it or not sasama ka. Alam mo din ‘yan? Anyway,wag ka na magdala ng mga susuotin dahil may dala na ako para sayo. Ikaw na lang ang kulang,” nakangiting sabi nito. Nagulat siya sa sinabi nito. “Ano? Patingin nga!” “Nasa kotse ko ang bagahe, ano ilalatag ko dito sayo isa-isa?” anitong natatawa. “P’wede ba?” aniyang nanghahamon. “Gaga, ikaw ang kumuha! Kita ng 5th floor ang bahay mo!” Natatawang iniwan niya ito at tinungo ang banyo para maligo. Crop cotton pullover and jogger ang napili niya at lumabas na ng kuwarto. Busy ang kaibigan sa ‘pag scroll sa IG. Napangiti ito ng makita siyang handa na. Bitbit niya ang laptop niya dahil balak niyang magsulat doon. “Let’s go!” anito at tumayo na. Tinanggal niya muna ang mga nakasaksak saka sumunod sa kaibigan. Hindi na siya talaga nagdala ng damit dahil kahit kailan hindi ito nagbibiro sa mga ganoong bagay. Halos mag-aapat na oras ang itinakbo ng biyahe nila. Medyo matraffic kasi ‘pag papalabas ng Manila. Hindi niya pala natanong sa kaibigan kung bakit andito sila sa resort ngayon. Private resort pala ito. Kaya walang gaanong tao, siguro mga bisita din ang mga nakita niya kaninang palabas ng bahay. May mga cottages din maliban sa magarang bahay na kinaroroonan nila. Sumalubong sa kanila ang isang babae na sa tantiya niya ay nasa 50's na. "Good afternoon po Ma'am Keana, tara ihahatid ko na kayo sa kuwarto niyo," ani ng babae. Saka lang niya napagtantong marami palang kuwarto ang bahay na iyon at napakalaki pa. Tig-isa silang kwarto ng kaibigan. Birthday daw pala kasi ng isang kaibigan din nito. Iilan lang daw ang invited kaya maraming bakanteng room. Bitbit niya ang laptop at maleta niya. O, diba may instant maleta at damit siya. Agad na binuksan niya ang maleta at inisa-isa ang laman niyon. May mga summer dress, underwear, bra, shorts at shirts na white na manipis. Napatingin siya sa nakapaperbag na nasa loob ng maleta. Agad na binuksan iyon at bigla siyang napasigaw siya ng makita ang laman niyon. "Ahhhh!" Isang two-piece at one-piece swimsuit. Pinanlakihan niya si Keana ng iniluwa ito ng pintuan habang hawak hawak niya ang dalawang swimwear. "Ano ba ayan, ‘yan lang naman pala. Akala ko kung ano na," anitong natatawa lang lumapit. "Like it?" mukhang aliw na aliw na sabi ni Keana. "Like it mong mukha mo! Hindi ako nagsusuot niyan!" sabi niya at ibinato sa kaniya ang dalawang hawak. "Ano, shorts ang isusuot mo at T-Shirt habang kami naka pang swim wear? Come on. Ang seksi mo kaya tapos ibuburo mo lang? Be proud!" anito at iniwan na siya nito. Kelan pa siya nagsusuot ng ganito? Sa sobrang inis niya ay inilock ang pintuan at natulog na lang. Isang oras lang ata siya nakatulog kaya nagpaalam siya sa kaibigan na maglalakad-lakad pero bitbit niya ang kan’yang laptop. SA KABILANG BANDA. Mabilis na binuklat niya ang folder na ibinigay ng assistant niya. Lulan siya ngayon ng sasakyan papuntang Quezon. Birthday ngayon ng bunsong kapatid kaya napilitan siyang pumunta. Kagagaling lang niya ng opisina. Sobrang nakakapagod ngayong araw na ito. Kaya panay hilot niya ng sintido niya. Napatingin siya sa driver at assistant na si Jess na noo'y nagsasalita. "Boss, ‘yan nga pala ang profile noong may-ari ng publisher na pinagtatrabahuhan ni Miss Eve," sabi nito. Ibinalik niya ang tingin sa folder. Napakunot noo siya ng makita ang mukha ng babae. "This is Keana, Arriane's best friend," sabi niya ng makilala ito. Si Arriane ang kan’yang bunsong kapatid. "Yes, sir! Si Miss Keana lang daw po ang nakakakilala kay Miss Eve sabi ng sekretarya nito. Ni isa man sa kanila boss ay wala pang nakakakita dito," paliwanag nito. Bakit naman? Pa-misteryosa naman masyado. Hindi na niya binasa ang nasa loob ng folder dahil kilala na niya ang pamilya ni Keana. But, Eve… He wants to meet her in person. What she looks like. Marami siyang tanong at maraming pumapasok sa isipan niya. Gusto lang niyang makilala ang taong iyon. Naiinis siya sa sarili kapag naiisip na isang mababa ang lipad ang nasa likod ng pangalang Eve. Bigla na namang pumasok sa isipan niya ang eksena sa binabasa niya kanina. Napapikit siya bigla. Paano niya naisulat ang mga bagay na iyon? While having s*x? Lalong tumindi ang pag-iinit niya. Minsan nga iniisip niya siya at si Eve siya ang bida sa librong iyon. "s**t!" biglang isinatinig na kinalinga ng assistant. "May problema po ba, boss?" tanong naman agad nito. "Eyes on the road, Jess!" sabi na lang niya imbes na sagutin ito. Nagfocus na lang ang assistant sa pag-da-drive. Maya-maya ay nakatanggap siya ng text galing sa resort. Ipinaalam nitong nakarating na ang bunso niyang kapatid. Noong una hindi niya pinayagan ang kapatid na magpaparty sa resort, nagtampo ito kaya sinabi niyang malalapit na kaibigan ang imbitahin at kung may mga lalaki na dapat ay ipaalam agad sa kan’ya. Wala naman siyang balak makihalubilo sa mga bisita ng kapatid, gusto lang niyang bantayan ito. Para sa kan’ya napakabata pa nito para magkaroon ng boyfriend o asawa sana. Alam niyang may nobyo na ito pero tinatago lang sa kan’ya. Wala na siyang nagawa dahil nandoon na. Naging strikto siya sa kapatid simula ng mamatay ang asawa niya. The mere fact na pati pagkain nito ay pinapakialaman niya. Ayaw na ayaw din niyang naglilihim ito sa kan’ya. Lahat naman ng gusto ng kapatid ay nakukuha nito basta with consent. Busy ang mga tauhan nila pagdating nila ng resort. Tinanong niya ang caretaker kung nasaan ang kapatid. Nang sinabi nitong nasa kuwarto ay tumango-tango na lang siya. Napatingin siya sa wall clock ng sala. Alas-sais na pala. Nakakaramdam na siya ng gutom kaya nagpahatid na lang siya sa kuwarto niya. Agad na tinungo niya ang kuwarto na laging inokupa kapag nasa resort sila. Naligo siya at nagbihis ng white beach linen shirts at shorts. Pinasadahan niya ang sarili sa salamin at ngumiti. Naupo muna siya sa couch habang hinihintay ang dinner niya. Para malibang kinuha niya ang phone at bumisita muna siya sa IG niya at hinanap ang account ni Keana Ramirez. Hindi siya nahirapan dahil sa kapatid. Wala siyang nahita dahil mukha nito ang lahat na nasa wall nito. Akmang isasara niya ang app ng nagpost ito ng picture. This time tatlo sila. Napapagitnaan nila ang kapatid. Nasa kaliwa si Keana, at ang isang babae. Simple lang ito. She's wearing loose shirts while Arriane and Keana naman ay two-piece suit. Alam niyang naka shorts ito. Wala sa sariling zinoom niya ito. Napanganga siya ng maaninag ang suot nitong black one-piece swimsuit. Medyo alanganin ang ngiti nito. Pero cute naman. Hindi rin ito nakatag kaya ‘di niya makita ang profile nito tanging si Keana at Arriane lang. Napatingin siya sa labas ng marinig ang naghihiyawan. Lumapit siya sa bintana. Nagkakatuwaan na ang mga bisita ng kapatid. Hinanap niya ang kapatid may kausap itong kasambahay nila. Napako ang tingin niya sa babaeng nakaupo sa deck na may hawak na Laptop. Ito ang babaeng kasama ng kapatid sa picture. Marahil ay bagong kaibigan nila ito. Hindi niya rin ito nakikita sa mga pictures na ipinadala ni Jess kapag nagba-bar ang kapatid. Nakarinig siya ng katok kaya binuksan niya ito. Si Aling Mameng pala, ang caretaker nila. May dala itong pagkain. Nilapag naman nito sa mesa na nasa gilid ng kan’yang kama. Nagpasalamat siya pag-alis nito. Bumalik siya sa bintana para tingnan ang babaeng nakaagaw ng atensyon niya kanina. Pero wala na ito doon. Nanghinayang na naupo siya at sinimulang sumubo ng pagkain. Nasa kalagitnaan na siya ng kain ng marinig ang pagtunog ng cellphone niya. Napailing na pinatay iyon. Ang makukulit lang naman niyang kaibigan. Susubo sana siya ng magring ulit. Ang kulit talaga ni De Leon. Pinatay niya ulit. This time si Becker na naman. Pinatayan niya ulit. ‘Di pa siya tapos kumain ng mag-ring ulit. Si Collin naman ang tumatawag. Makukulit talaga ang mga ito. Mayamaya ay nagring ulit, napakunot noo siya ng makita kung sino ang tumawag. Si Hernandez pala. Si Blake Kent Hernandez lang kasi ang isa sa pinaka seryoso sa magka-kaibigan. Agad na sinagot niya ito, pero bigla niyang inilayo dahil boses lang naman ni Ezekiel De Leon ang narinig niya. Wala na siyang nagawa kundi kausapin ang mokong na iyon. Pinapapunta na naman siya nito sa ZL Lounge bukas. Siguradong ibebenta na naman siya ng mga ito sa mga babae kaya agad na tinawagan niya si Claire, ang laging kadate kapag nakikipagkita siya sa mga kaibigan. Wala na siyang naging babae sa loob ng apat na taon. Binabayaran niya si Claire kapalit ng pagsama nito sa kaniya sa mga party or meeting kasama ang barkada. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD