Thalia Alexis' POV
Ngayon na kami pipili ni Julia ng flowers for her wedding. Hindi ko na din sinama si Jae. Tulog pa kasi mukang napagod sa lakad namin kahapon. Maaga pa naman ngayon.
Dumating na ako sa flower shop na titignan namin. Dito ko lagi dinadala clients ko. Trusted ko na rin kasi sila. Madaming maganda at marami pagpipilian. Atsaka affordable pa.
Pag pasok ko nakita ko agad si Julia. Pero siya palang ang mag isa, mukang late nanaman si Gab.
"Hi Thalia!" She greeted me. Nakipag beso naman ako sakanya.
" Hi Julia." Bati ko rin sa kanya " You can call me Tali or Talz na lang. Asan pala si Gabriel?" I asked her.
"Ano pa nga ba eh di late nanaman siya! Pero on the way na raw sila kasama niya yung friend namin na mag papaksal din. Yung tinext ko kahapon."
I nodded"Okay. Let's start. Mae! Pasok na kami sa Garden ah?" Sabi ko do'n sa staff. Kilala na kasi ako dito. Yung garden nila andun 'yung mga flowers na pwedeng pag pilian.
"Beach wedding kayo right. I recommend King Calla Lily or Casa Blanca Lilies para sa aisle. Pero it's your choice parin" Pinakita ko naman sakanya yung dalawang klaseng flowers.
"Hmmm. I want the Casa Blanca Lilies" She said.
"Okay. Your motif is rose pin, so i suggest umm. Carnation bouquet. For you lahat white roses tapos sa mga abay mo. A combination of white and pink. What do you think?" I said.
"I think It's beautiful! You're really the best" She said.
"Thank you" I smiled. Napatingin naman siya sa likuran ko.
"Gab! Jayden!" Di ko alam pero bigla akong kinabahan ng marinig ko ang pangalan na Jayden. Lumapit si Julia sakanila ako nakatalikod parin.
Hindi naman siguro diba?
"Thalia!" Rinig kong tawag sa 'kin ni Gab. Huminga ako ng malalim, at hinarap sila.
Omygod. This can't be happening.
Bumalik lahat ng sakit na iniwan niya sa 'kin.
"Thalia. This is our friend. Jayden Reid. Jayden she is the wedding planner that we're talking about. She's Thalia Lustre" Hindi ko alam ang i-rereact ko. I did not expect this.
Akala ko hindi na mag tatagpo ang landas namin.
Inabot naman niya ang kamay niya para makipag shake hands. Alinlangan kong tinanggap 'yun.
"Hi. Nice meeting you" He casually said na parang wala kaming past.
"Hello"
Hindi parin ma process ng utak ko ang nangyayari ngayon.
"Oo nga pala Thalia. Asan si Jae?" Nagulat naman ako sa tanong ni Gab. Nag simulang bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa kaba.
"Na-nasa bahay pa eh. Tulog pa. Di ko na sinama" Tumango na lang sila Julia. Ramdam ko ang mga tingin sa 'kin ni Jayden.
Please lang, wag mo ng tanungin si Jae sa 'kin.
"So let's proceed?" Gabriel said. Buti na lang nag salita na si Gab.
Tumango na lamang ako at pinag patuloy ko na lang yung ginagawa ko kanina. Kahit sobra akong distracted pinilit ko parin ayusin yung trabaho ko.
"Tara Lunch na tayo" Yaya ni Julia.
"Kayo na lang. Una na 'ko" Sabi ko.
"Hala. Sumama ka na. Atsaka you'll discuss with Jayden the wedding details right?" Julia said. Hindi ako makahinga sa sinabi niya.
"Julia is right Ms. Lustre. I want you to be my wedding planner right. That's why I'm here." Jayden said. Tse nek nek mo.
I sighed "O-kay" Wala naman akong magagawa, pag tumanggi pa ako baka mag tanong pa sila at ayokong ma satisfy si Jayden do'n.
We just drove our own cars, at nag convoy na lang papunta sa restaurant. Huminga ako ng malalim bago lumabas ng sasakyan ko. Hindi pa rin ako kumakalma!
"Table for how many Ma'am?"
"For 4 please" Julia said. The waiter just nodded, at dinala kami sa table namin.
Umupo na ako sa table at agad tumingin sa menu para makaiwas ng eye contact with Jayden. Biglang may tumawag kay Julia kaya Nag excuse siya na sasagutin lang niya.
Maya maya bumalik na rin siya.
"Guys I'm sorry. My parents they invited us for lunch. Mahirap tanggihan eh.Babawi kami sa susunod promise" Nagulat ako sa sinabi ni Julua.
"Jayden ikaw na muna bahala kay Thalia ha? Let's go Gab" I didn't have a chance to speak. Sobra silang nag mamadali.
Tinignan ko naman si Jayden. He's smirking right now.Siya lang ata nag e-enjoy sa mga nangyayari, pwes ako hindi. Tatayo na sana ako ng pinigilan niya ako.
"Hey! Where do you think you're going? We have a wedding to plan" He said.
"You know Mr. Reid, I think you should find another Wedding Planner. I'm not interested Good bye" I said. Aalis na sana ako kaso nag salita nanaman siya.
"Why? I want you" Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko sa sinabi niya.
"I want you as my wedding planner." Aba gago.
"Bakit ayaw mo? Aren you hurt because you're gonna plan your Ex Husband's Wedding?" He said then he smirked.
Napataas ang kilay ko sa Sinai niya. What the hell? So 'yan ang gusto niya? Ipamuka at iparamdam sa 'kin na wala na ako sakanya? Wala na talaga siyang pake sa 'kin.
I just sighed at umupo na lang ulit ako. Kung 'yan ang gusto niya pwes papatunuyan ko rin sakanya na hindi lang siya ang naka move on.
"So let's start? Kelan kasal niyo?" I asked him. Kinuha ko na yung planner ko to take down notes.
"September 20. I want to get married on Manila Cathedral." Pinigilan kong hindi umirap, do'n niya talaga balak mag pakasal ulit?
"So Jay is your boyfriend huh?" Ano daw? So akala niya lalaki si Jae? Tanga anak mo yun.
"Pwede bang wag natin pag usapan ang personal life ko? Let's focus on the wedding. What theme and what motif"
"Red" Is he mocking me? Same motif sa wedding namin? Nilagay ko na lang ulit 'yung planner sa bag ko.
"Mr. Reid. I'll go ahead. May aasikasuhin pala ako ngayon. Hindi lang naman kasi ang wedding mo ang pinaplano ko. So bye" I said. Tumalikod ako sakanya. Pero bago makalayo may sinabi siya.
"Okay. See you tomorrow at your office then"