Thalia Alexis' POV
Ngayon yung meeting ko with my new client. I woke up early para makapag prepare rin ako ng breakfast ni Jae.
"Mowning Mami!" Jae greeted me with her lovely smile.
"Good morning baby girl!" Umupo na siya at kumuha na siya ng pagkain niya.Nasanay din siya na ang kumukuha ng pagkain niya para kontrolado niya at walang sobra at masasayang.
My sweet independent baby girl.
"Mami sama ako sayo today?" she asked. Nag papacute pa nga. Pa'no ko ba 'to tatangihan?
"Hmm. Okay. After my meeting let's go to mall okay?" Tutal wala naman na akong ibang gagawin. Minsan lang din naman kami lumabas ni Jae, dahil nga sa work ko. Most of the time pag nasa labas kami, weddings ang pinupuntahan namin.
"Yeyy!!" Napangiti na lang ako sa reaksyon niya. Pagkatapos namin kumain nag ayos na kami. Isasama ko rin si Jewel para habang may ka meeting ako may kasama si Jae.
After mag ayos pumunta muna kami sa office. Lunch pa naman ang meeting ko sa labas, and may mga kailangan din akong ayusin. Pagdating namin ng office agad naman kami binati ng mga staff ko.
"Hi Ma'am, good morning!"
"Good morning din!" Bati ko.
Pag pasok namin sa office ko. I checked again my sched baka kasi may nakalimutan ako. Habang si Jae busy mag laro kasama si Jewel.
"Hi baby Jae!!" Pumasok ng office si Myrtle and Rhian.
"Hi niwnangs!!" Agad naman tumakbo si Jae sakanila at niyakap. She really loves her ninangs. Lumaki si Jae na kasama sila. Sila ang tumulong sa 'kin palakihan ang anak ko.
"I mish you po Niwnangs!"
"Awww we miss you too baby Jae!" Sabi ni Myrtle.
"Niwnang Yasshi?" She asked.
"She's busy with her work eh" Rhian said. Nag pout naman ang baby girl ko.
"Don't worry Baby Jae. I'm gonna text Ninang yassi okay?" I said.
"Okay po!"
"Ilan meeting mo today girl?" Myrtle asked me. Si Rhian and Jae naman nag lalaro.
"Isa lang"
"Ang daya mo!" She said then nag pout.
I chuckled "Ganun talaga pag maganda" Pang aasar ko pa sak anya.
Nagkwentuhan na lang kami habang gumagawa ng ibang paper works. Pero hindi rin nag tagal umalis din sila kasi may ginagawa pa sila. Nung dumating ng lunch pumunta na kami sa isang restaurant para sa lunch meeting ko sa client.
"Hi Ma'am. Good afternoon. Table for how many?"
"I'm with Ms. Julia Montefalco I said.
"This way Mam" Sinundan naman namin siya. Nang makarating kami may nakita ako isang babae na nakaupo. Agad kong napansin ang mahabang buhok at fair skin niya. She's pretty
"Ms. Julia Montefalco?" I asked.
"Oh! Ms Lustre? Hi! Nice to meet you!" She said then smiled. She seems so nice.
"Hi. Oh. This is my daughter." Pakilala ko.
"Wow. She's so pretty. Hi baby girl what's your name?" Julia asked Jae.
" Hi my name is Jaenelle Alexandra Lustre. Call me Jae po!" Masaya niyang pakilala kay Julia.
"Hi Jae! I'm your Tita Julia!" Bati niya sa anak ko " Papadagdag ko na lang yung chairs"
Agad akong umiling"No need. Ibang table na lang sila. So that we can discuss properly" I said. Pumayag naman siya at kumuha na lang kami ng isa pang table na malapit para sa kanila ni Jewel.
" So let's start?" I said.
"Sure. I'm sorry ah kung ngayon lang kami nakapag schedule tapos next month na yung wedding. Busy kasi eh tapos galing pa kami ng states. "
"No problem. I'm glad that you chose dreamers"
"I saw your website kasi. Grabe ang galing mo. I didn't know that you're married pala." Napa smile na lang ako sa sinabi niya.
" No I'm not. Single mother ako" I said.
"Oh. Sorry for that. Hindi ko talaga alam" Nahihiyang sabi niya. Tinignan naman niya si Jae " Well Baby Jae is a wonderful kid. You're so lucky to have her. Napalaki mo siya ng maayos" Napangiti ako sa sinabi niya.
"Thank you. By the way where's the groom?" I asked her.
"Well late nanaman. Palagi na lang" She said then rolled her eyes" Oh there he goes" Agad naman ako napatingin sa tinuro niya.
"Hi Sorry I'm late. I'm Gabriel Pascual" He said at nilahad niya ang kamay niya, I accepted it at nakipag handshake ako.
"Super thank you for accepting us" He said.
"It's okay. I'm glad that you chose us. So let's start?" I said.
Nag start naman na kami pag usap about sa wedding. Nag schedule na rin ako para sa food tasting, pag tinging flowers etc. Nang matapos kami, hindi agad kami naka alis agad dahil tuwang tuwa silang kinausap si Jae. After our meeting with them, umunta na kami nila Jae sa mall para ipasyal sila.