Hannah's POV ANG UNANG nakasulat sa listahan niya ay malaman kung saan nakalibing si Pipoy. Ang anak ng step father niya na minahal at itinuring ni Mina bilang isang tunay na kapatid. Minahal niya rin si Pipoy at nagagalit siya sa sarili niya dahil wala siyamg nagawa para iligtas ito. Namatay si Pipoy. Nang mahukay sila hindi na nagawang isalba ang buhay nito. Pinuntahan niya ang ama at inalam kung saan ang nakalibing si Pipoy. Gusto niya itong muling bisitahin. Kahit pa... hindi nila magagawang makapag-usap man lang. Ginising niya ng maaga si Kenobi hidni dahil maaga siyamg nagising. Wala pa siyang tulog dahil tinapos niya ang listahan niya - listahan ng mga balak niyamg gawin. Hindi na nila isinama ang mga bata dahil tinuturuan ang mga ito ng step mother ni Kenobi na mag-bake.

