Mina's POV
HALOS MADAPA NA siya dahil sa pagkaladkad sa kanya ni Shia, Krishia Sandoval, ang kakambal na babae ni Kenobi. Ang alam niya sa Oxford ito nag-aaral at isang psychology student. Hindi niya ito personal na kakilala pero sino ba ang hindi nakakakilala sa nag-iisang prinsesa ng mga Sandoval?
Kaya naman nagulat siya ng bigla itong sumulpot kanina at ng ipagtanggol siya nito saka nang walang ka-abog abog na pagkaladkad nito sa kanya papasok sa loob ng mansion ng mga Sandoval. Narinig niya pang hinabol sila ni Kristoff.
"S-sandali..." Gusto man niyang bawiin ang kamay niyang hawak nito ay hindi niya magawa, dahil sa higpit nang kapit nito sa kanya. Idagdag pa na mas matangkad ito. Para lang siyang bata dahil sa height niyang 5'3 at sa height nitong 5'8.
Paakyat na sila sa hagdan nang makasalubong nila ang pababang babae na sa tingin niya ay kaidad lang ng Tita Melody niya.
"Hi Mom," bati ni Shia sa babaeng nagtatakang nakatingin sa kanya. Napayuko siya dahil nakaramdam siya ng hiya sa paraan ng pagtitig nito sa kanya na parang kinikilala siya ng husto.
Bahagya siyang yumuko ng magkatapat sila nito. Hindi niya natagalan ang tingin nito sa kanya. Bahagyang kumunot ang noo nito at tumigil sa pagbaba sa hagdanan at nagtatakang nilingon pa siya.
Sila naman ay tuloy tuloy lang ang pag-akyat hanggang sa makarating sila sa third floor at lumiko sa kaliwang pasilyo saka pumasok sa ikatlong kwarto.
'Wow' ang unang pumasok sa isip niya nang makita ang kabuuan ng silid. halos doble ng kwarto niya ang laki ang pinasukan nila.
"Wait here," ani ni Shia sa kanya. Binitawan na nito ang kamay niya saka lumabas ng kwarto.
Hindi na siya nakareklamo dahil hindi naman nito inantay na makasagot siya. Agad itong lumabas at kung saan ito pupunta ay hindi niya alam. Napabuntong hininga na lang siya.
Inilibot niya ang paningin sa buong silid. Napakaganda, pinaghalong white at yellow ang combination ng interior. Para iyong kwarto ng isang prinsesa lalo na dahil sa four foster queen size bed at ng mahabang chest drawer na may nakapatong na mga stuff toys.
Napalingon siya sa pinto ng muling bumukas iyon at pumasok si Shia na may dala-dalang paper bag.
"Here," iniabot nito sa kanya ang paper bag pero hindi niya inabot. Nanatili lang siyang nakatingin doon. "Magpalit ka na," inip na utos pa nito.
"H-hindi na uuwi n-na lang a-ako--"
"Nonsense," itinirik nito ang mga mata saka patulak na binigay sa kanya ang paper bag. "Go!" Nakataas ang kilay nitong utos.
Wala na siyang nagawa kundi sundin na lang ang gusto nito. Pumasok siya sa banyo na nasa loob din ng kwarto. Humarap siya sa salamin. Sabog sabog na ang buhok niyang naka braid. Amoy alak na rin siya.
Nakarinig siya ng katok mula sa labas ng pinto at narinig niyang sumigaw si Shia mula sa labas, tinatanong kung tapos na siya. Kaya naman nagmamadali na siyang naghilamos pagkatapos ay mabilis na nagpalit na siya ng damit na ibinigay nito.
Nag-aalangan pa siyang suotin ang ibinigay nito pero ng kumatok uli ito nataranta siya kaya naman mabilis ang mga kilos na sinuot niya na iyon. Napangiwi siya nang makita ang suot sa salamin. Isang sunny dress na manipis na cotton ang tela. May nakapaloob na satin sa loob. Tinanggal niya ang tube bra niya dahil may foam iyon sa loob. Mababa ang v-neck neckline niyon. Litaw tuloy ang halos kalahati ng di kalakihang dibdib niya. Spaghetti strap iyon kaya litaw din ang collar bone niya.
Napakagat labi siya hindi niya ata kayang lumabas na ganon ang suot niya na halos wala ng itinago.
Muli nakarinig na naman siya ng katok. Napabuntong hininga na lang siya kipkip ang paper bag na pinaglagyan niya ng pinaghubaran ay nahihiyang lumabas siya.
Agad siyang hinila nito papalapit sa vanity mirror nito kung saan nakahilera ang iba't-ibang klase ng mamahaling cosmetics. Pinaupo siya nito sa tapat no'n. Hinila naman nito ang isang upuan at paharap na naupo sa kanya.
"Pwede na ba akong umuwi?" kiming tanong niya dito. Tinignan siya nito na parang binabasa ang nasa isip niya. Naiilang siya dahil do'n. Pakiramdam niya sinusuri siya nito kagaya ng mga psychiatrist na pinagdadalhan sa kanya ng daddy niya. Yung mga tingin na akala mo naiintindihan ka nila, na alam nila ang sakit na naramdaman mo... Pero ang totoo hindi nila maiintidihan kahit kailan ang sakit at trauma na pinagdaanan niya, dahil di nila naranasaan iyon. Paano siyang maniniwalang naiinitindihan siya ng mga ito kung hindi naman ng mga ito naranasana ang naranasan niya?
Parang ang Daddy niya pinipilit na makalimot siya na para bang napakadaling kalimutan ng lahat, kung alam lang ng mga ito na halos iumpog na niya ang ulo para lang makalimutan ang lahat ng nakaraan niya ginawa na niya.
"Ang lalim ng iniisip mo," napakurap-kurap siya ng magsalita si Shia.
Hindi niya namalayang nilalagyan na pala siya nito ng make-up. Napatitig siya dito. Maganda ito at kulang ang salitang iyon para ilarawan ang taglay nitong ganda. Napakasarap titigan ng mga mata nitong kulay ng magkahalong asul at berde.
"Do you like my brother?" tanong nito sa kanya. Namula ang pisngi niya sa tanong nito. Ganon ba siya kahalata?
"Tigilan mo yan," natigilan siya sa sinabi nito. Maang na nag-angat siya ng tingin at sinalubong ang mga mata nito. Hindi ito nakatingin sa kanya kundi sa ginagawa nito sa mukha niya. Hindi niya alam kung anong ibig nitong sabihin. Hindi niya rin magawang basahin ang nararamdaman nito.
Dinampot nito ang lipstick at inumpisahang lagyan ang mga labi niya.
"Iwasan mo siya o kahit na sino sa kanila ni Kenobi. Hanggang maari lumayo ka sa kanila," dagdag pa nito sa seryosong tono.
Inilapag nito ang ginamit na lipstick sa kanya at tinignan siya sa mga mata. Hinaplos nito ang buhok niya.
"Prevent the pain, Mina. Prevention is better than cure." Ngumiti ito sa kanya pero hindi iyon umabot sa mga mata nito. Tumayo na ito at pumunta sa likuran "Ayusin natin ang buhok mo," anito pagkuwan.
Nanatili lang siyang nakatitig dito mula sa salamin hindi niya maunawaan ang nais nitong iparating sa kanya. Bakit nito sinasabing iwasan niya ang mga kapatid nito? Dahil ba bully si Kenobi at dahil may Elizabeth na si Kristoff?
Siguro nga yun ang dahilan...
May punto ito. Walang magiging dulot na maganda sa kanya ang mga kapatid nito.
Kristoff's POV
"WHY IS SHE HERE?" puno ng pagdududang tanong ng Mommy niya sa kanya pagkasara nito ng pintuan. Hinila siya nito papunta sa entertainment room na nasa second floor.
"I invited her here, Mom. Victory pary--"
"Cut that crap Kristoff! Alam kong may binabalak ka! Nakarating sa'min ng daddy mo ang ginawa mong pagbayad ng tao para pagtangkaan si Hermina," galit na putol nito sa kanya.
Napipilan siya, hindi na siya magtataka kung paano ng mga ito nalaman ang ginawa niya sa parking lot ng mall. Nagpabalik-balik ito sa harap niya habang sapo-sapo ang ulo nito. "Bakit ba ayaw niyo siyang tigilan?! Pareho na lang kayo ni Kenobi! Mahirap bang intindihin na hindi niya kasalanan ang kasalanan ng ina niya?!"
"What are you talking about? Wala akong kinalaman sa sinasabi mo, Mom, nagtaon lang na nandoon ako at nakita ko siyang pinagtutulungan ng dalawang lalaki," pagmamaang -maangan niya.
"You can't fool me, Kristoff. Ako na ang nagpalaki sa inyong magkakapatid kaya kilala ko kayo," naiiling na anito. Humarap ito sa kanya sa ginagap ang kamay niya. "Please, Krissy, hindi ikaw yan. I know masakit sa inyo ang ginawa ni Charito pero walang kinalaman ang anak niya dito. She suffered enough so please, Kristoff, tigilan mo kung ano man yang binabalak mo. Wag ka ng dumagdag sa sakit ng ulo ng daddy mo dahil kay Kenobi," nakikiusap na sabi nito sa kanya.
Marahan niyang binawi ang kamay niya na hawak nito. "I really don't know what you're talking about, Mom."
Nakita niya ang sakit sa mga mata nito. Iniiwas niya ang tingin dito. Hindi niya kayang makita na nasasaktan ito lalo na at siya ang nagiging dahilan. Umatras siya ng dalawang beses palayo dito.
"Sa tingin niyo ba magiging masaya si Kassandra sa mga ginagawa niyo?" nanlulumong tanong nito sa kanya.
Parang may pumiga sa puso niya nang mabanggit ang pangalan ng tunay niyang ina. Mapait na nginitian niya ang Mommy niya- ang step mother nila na siyang nagpalaki sa kanilang magkakapatid ng maulila sila sa ina. Ito na ang itinuring nilang ina dahil itinuring at minahal sila nito bilang sarili nitong mga anak.
Nakita niyang tumulo ang luha ng Mommy Beatrice niya. "For sure hindi niya magugustuhang makitang nagkakaganito ang mga anak niya."
Humakbang ito papalapit sa kanya at hinaplos ang pisngi niya. "Hindi niya ikatutuwa na makakasakit kayo ng iba ng dahil sa kanya," malungkot na sabi nito saka tinapik ang pisngi niya at nilagpasan siya para lumabas ng entertainment room
Napabuntong-hininga siya. "Sana hindi niya kami iniwan kung ayaw niyang magkaganito kami," mahinang bulong niya.
Napapikit siya ng unti-unting bumalik sa alaala niya ang araw na naging bangungot niya.
Excited na mabilis siyang umibis ng sasakyan para pumasok sa kabahayan. Gumawa sila ng Valentine's card at naisipan niyang gawan ang mommy niya. Lagi kasi itong malungkot dahil wala si Krishia at ang daddy niya. Madalas na magtungo sa England ang kapatid at Daddy niya para bisitahin ang grandparents nila do'n.
Mabilis siyang nagtatakbo sa hagdan hawak sa kamay ang card para sa ina. Nang mapatapat sa pintuan ng masters bedroom agad niyang itinulak ang pinto na bahagyang nakaawang.
Napatda siya sa nakita. Nabura ang ngiti sa kanyang mga labi. Nawala ang saya na kanina'y nadarama niya
Nakita niya ang kapatid na si Kenobi habang hawak ang kamay ng kanilang ina at pilit pinupunasan ng damit nito ang duguang pulso mg mommy nila.
"M-mommy..." nagulat pa siya ng may lumabas na boses sa bibig niya.
Napalingon sa kanya si Kenobi na puno ng luha ang mga mata. "K-Kuya... Kuha ka band aid ayaw tigil ng dugo ni mommy.. M-may sugat siya, kuya." Marahan pang iniihipan ng kapatid niya ang palapulsuhan ng mommy nila. Kagaya ng ginagawa ng mommy nila kapag nagkakasugat sila.
Puno na ng dugo ang damit at mga kamay ni Kenobi pati na rin ang pisngi nito.
Napatingin siya sa sahig, sa kamay ng Mommy nila ay may duguang kutsilyo doon. Bumaling ang mata niya sa mukha ng Mommy niya. Maputla ito, pati ang mga labi ay wala ng kulay.
'No!' sigaw ng isip niya. Nanginginig ang mga tuhod na nilapitan niya ang mommy niya na nakaupong nakasandal sa ibaba ng kama. Ang puting night gown nito ay puro dugo na.
Lumuhod siya sa tabi ng kapatid. At nanginginig na inilapit niya ang kamay sa ilong ng kanilang ina. Matagal, pero wala talagang hangin na lumalabas sa ilong at bibig nito.
"M-Mommy..." palahaw na iyak niya.
Hindi na humihinga ang mommy niya ibig sabihin ba patay na ito?
Iniwan na sila ng mommy niya?
Hindi pwede!
Mabilis siyang tumayo at kahit nanlalabo ang mga mata ay nagtatakbo siya palabas ng masters bedroom para humingi ng tulong.
"KRISTOFF, KUMAIN ka muna," tumabi sa kanya ang Tita Beatrice niya at inakbayan siya. Bestfriend ito ng Mommy niya at siyang kasama nila habang hindi pa nakakauwi ang daddy nila na nasa England pa.
"Hindi po ako nagugutom," magalang na sagot niya dito sabay tingin kay Kenobi na katabi niya. Naaawa siya sa kapatid niya simula ng iburol ang mommy nila dalawang araw na ang nakakalipas hindi pa rin ito nagsasalita, wala itong kinakausap na kahit na sino. Hawak lang nito ang teddy bear na bigay ng mommy nila dito. "Si Kenobi po, Tita, hindi pa kumakain," malungkot na sabi niya.
Narinig niyang humikbi ang Tita Beatrice niya at mahigpit siyang niyakap.
Tumayo si Kenobi sa tabi niya at lumapit sa casket ng mommy nila. Lahat ng nakikiramay ay napatingin kay Kenobi. Hinimas-himas ng kapatid niya ang kabaong ng mommy nila at nag hum. Katulad ng pag-hum ng Mommy nila kapag pinatutulog sila.
Napaiyak siya at parang dinudurog ang puso niya. Wala ng maghu-hum sa kanila bago matulog, wala na ang Mommy nila.
"KUMAIN KA NA MUNA, Kenobi," sabi niya sa kapatid. Silang dalawa nal ang ang natira sa sala kung saan nakaburol ang Mommy nila. Wala na ang ibang bisitang nakiramay at ang Tita Beatrice niya na lang na natutulog sa sofa at ang mga katulong na nagchichismisan sa isang sulok ang naiwan kasama nilang magkapatid.
"Pinatay nila si Mommy," malamig na sambit ni Kenobi na ikinabigla niya. "They hurt her so much kaya iniwan tayo ni mommy."
"W-what do you mean?"
"I saw them, Tita Charito and dad making out while mommy is crying secretly looking at them."
Hindi siya nakapagsalita sa sinabi ni Kenobi. Si Tita Charito ay isa din sa mga bestfriend ng mommy nila.
"Sila ang dahilan kung bakit nagpakamatay ang mommy. Si Tita Charito ang dahilan," nagtatagis ang bagang ng sabi ng kapatid niya. Mahigpit na nakakuyom ang mga kamay nito.
Nakaramdam siya ng galit. Galit para sa ama at galit para kay Charito. Tama si Kenobi pinatay ng mga ito ang mommy nila.
HER MOTHER has a postpartum depression at lumala iyon ng malaman nito ang affair ni Charito sa daddy niya na nauwi sa pagpapakamatay ng mommy niya.
Nalaman niya ang lahat mula sa bulung-bulungan ng mga katulong at kaibigan ng pamilya nila.
Nagtanim siya ng sama ng loob sa daddy niya kahit na umiyak na ito sa kanilang magkakapatid at humingi ng tawad.
Dala niya hanggang sa paglaki niya ang galit niya kay Charito. Pinagkatiwalaan ito ng mommy niya pero ito pa ang naging dahilan kung bakit nagpakamatay ang mommy niya.
Hinanap niya si Charito pero walang makapagsabi kung nasaan ito at kung ano na ang nangyari dito kaya naman ang balak na paghihiganti nilang magkapatid ay nabaling sa nag-iisang anak nito, si Hermina.
Hindi katulad ni Kenobi hindi siya bulgar na gumaganti kay Mina. Ang gusto niya maranasan ni Mina ang naranasan ng mommy niya. Ang magtiwala at saktan ng pinagkatiwalaan mo.
Plinano niya ang eksena sa parking lot at sa pagliligtas niya dito. Pati na rin ang sadyang pagtatanggol dito kapag pinagti-tripan ito ni Kenobi. Gusto niyang makuha ang loob ni Mina gaya ng ginawa ng ina nitong pagkuha sa loob ng mommy niya. Saka niya ito sasaktan kagaya ng pananakit ng ina nito sa mommy niya.
Dahil masakit lang ang betrayal kung ang culprit ay ang taong malapit sayo, yung taong pinagkatiwalaan mo at di mo aakalaing magagawa kang saktan.
Just like what Charito did to her mother.
Igaganti niya ang mommy niya na hindi nito nagawa dahil mas pinili nitong kitlin ang sarili nitong buhay.
To be continued..