“You can hold my hand as much as you want” sabi ni oliver ng nakangiti ng binitawan ng babae ang kamay nya.”thank you for helping me mr.smith” sabi ni stella at pilit na kinakalma ang sarili “no problem basta ikaw” sagot ni oliver at kumindat pa “ah— I have to go” sabi ni stella at maglalakad na sana paalis ng hawakan ng lalaki ang braso nya napapikit nalang si stella dahil mukhang hinde sya makakawala sa damuhong na lalaki na ito ngayun “hey, ganyan ka ba mag pasalamat sa taong tumulong sayo?” taas kilay na sabi ni oliver “what do you mean? nagpasalamat naman na ako sayo ah and FYI hinde ko naman hiningi ang tulong mo” masungit na sabi ni stella “oh come on! kahit libre mo nalang ako ng pagkain, sige na! hinde pa ako kumakain eh” sabi ni oliver saglit natahimik si stella ayaw nya makasama ni isang sigundo ang lalaking ito wala s’yang tiwala dito pero ayaw din naman nya magkaroon ng utang na loob dito kahit paano ay natulungan naman sya nito dahil kong hinde ito dumating ay baka nag pang-abot na sila ni mandy at harold at malamang sa malamang pinagpe-pyestahan na sana sila sa social media ngayun at baka sumakit nanaman ang ulo ng magulang nya ng dahil sa kanya. dahan dahan na bumalik si stella sa kinauupuan nya kahit labag sa loob nya napa ngiti naman si oliver dahil dito. “wag kang mag isip ng kong anu anu ginagawa ko lang ‘to dahil ayoko magkaroon ng utang na loob sayo” paliwanag ni stella ng makabalik na sa kinauupuan nya. “Ok, Wala naman ako iniisip” pigil ang ngiti na sagot ni oliver “mabuti ng malinaw ayoko ng issue” sabi stella ngumiti nalang si oliver bilang sagot ilang saglit lang ay dumating na rin ang order nilang pagkain at agad na nagsimulang kumain walang umiimik sa kanila at nakatuon lang ang attention sa pagkain na pabor kay stella. “Sino yun?” biglang tanong ni oliver habang kumakain sila kanina nya pa ito gusto itanong sa dalaga at hinde sya matatahimik hangga’t hinde iyon nasasagot ng babae “sino?” tanong din ni stella at nag palinga-linga pa sa pag aakalang may nakita itong ibang tao na hinde nya napansin “yong lalaking nandito kanila at kausap mo?” iritabling sagot ni oliver “ah! Yon Wala yon sya lang naman ang sumira ng buhay ko, my ex.” sagot ni stella at pilit na ngumiti.”ano nangyari? bakit kayo nag hiwalay?” tanong ulit ni oliver “niloko nila ako” maikling sagot ni stella “nila?” kunot noong tanong ni oliver “yong babaeng kasama nya yong bagong girlfriend nya ngayun dati kong matalik na kaibigan sobrang close kami no’n dati sobrang pinagkatiwalaan ko sya lahat sinasabi ko sa kanya pati mga paghihinala ko kay harold sinasabi ko sa kanya dahil boung akala ko kakampi ko sya yun pala sya yong ahas na tutuklaw sakin, ang tanga ko diba?” malungkot na sabi ni stella at bahagyang natawa “mahal mo pa ba?” tanong ulit ni oliver saglit natahimik si stella bago sumagot “no—never again” sagot ni stella Oo minahal nya talaga ng sobra si harold pero noon iyon kong ano mang pagmamahal ang meron sya para kay harold Wala na iyon matagal ng nawala at naubos “mabuti naman ayoko na lumalapit kapa sa lalaking iyon” seryusong sabi ni oliver sa’ka tinitigan si stella kumunot naman ang noo ni stella dahil sa sinabi ni oliver at bahagyang natawa bago nagsalita “sino ka para pag bawalan ako sa kong sino ang lalapitan at kakausapin ko” mataray na sabi ni stella at nag taas pa ng kilay “I’m your man” sabi ni oliver at bahagyang ngumiti. nakatitig lang si stella kay oliver at hinde nagsasalita ilang saglit pa ay biglang tumawa ito ng malakas “hahaha... grabi nakakatawa talaga yun” natatawa na sabi ni stella hinde na nagsalita pa ulit si oliver pero kita sa mukha nito ang pagka asar dahil sa pag tawa ni stella nagpatuloy lang sila sa pagkain paminsan minsan ay sinusulyapan nila ang isa’t isa at agad din nag iiwas ng tingin si stella dahil agad s’yang namumula at natatawa nalang si oliver dito pagkatapos nilang kumain ay agad na kinuha ni stella ang wallet nya para bayaran sana ang kinain nila pero bago pa man makapag bayad si stella ay nabayaran na ito ni oliver “hey! ako dapat magbabayad diba” singhal ni stella “ayoko na gumagastos ang babae para sakin” sabi ni oliver sabay kindat kay stella “hinde babayaran kita magkano ‘yon?” sabi ni stella at agad na kumuha ng pera sa loob ng wallet nya at iniabot kay oliver ngunit pinagtaasan lang sya ng kilay nito “bakit kulang ba?” takang tanong ni stella at kumuha pa ulit ng pera at iniabot ulit kay oliver pero hinde parin ito tinanggap ng binata saglit sila nagkatitigan huminga muna ng malalim si stella sa’ka nagsalita “please?” sabi ni stella at halos mag makaawa na “hinde ako tumatanggap ng pera marami na ako n’yan pero kong gusto mo talaga ako bayaran May ibang paraan ako” sabi ni oliver sabay kindat at dahan dahan na lumapit sa dalaga napakunot noo naman si stella habang nakatitig lang sa mga mata ng binata na animo’y ginagayuma sya “ano yun?” wala sa sarili na tanong ni stella habang titig na titig parin sa mukha ng binata sino ba naman ang hinde mapapatitig sa napaka perpekto nitong mukha at ang amo ng mga mata nya na hinde nakakasawang titigan napapikit si stella ng haplosin nito ang mukha nya at dahan dahan na lumapit ang mukha nito sa mukha nya “be my girlfriend “ bulong ni oliver sa dalaga hinde nya alam at parang ang bilis ng pangyayari mahinang tumango Lang ang dalaga tanda ng pag payag nito napangiti nalang si oliver sa naging sagot ng dalaga dahil napa Oo nya ito ng mabilis ang akala nya ay mahihirapan pa s’yang kumbinsihin ito hinde nya inaakala na sasang-ayon agad ito sa kanya “ok see you later babe kailangan ko ng umalis marami pa akong gagawin” nakangiting sabi ni oliver sabay halik sa pisngi ng dalaga at agad na naglakad paalis kasama si stephen si stella naman ay natulala lang at hinde agad nakagalaw pilit na pina process ang mga nangyayari ilang saglit lang ay parang naalimpungatan si stella at napag tanto nya ang mga pangyayari agad itong tumakbo palabas ng restaurant para habulin ang binata at bawiin ang sinabi nya dito. “Hey!! Wait!!” sigaw ni stella saglit s’yang nilingon ng binata at nginitian ng marinig ang sigaw nya nasa tapat na ito ng sasakyan nya ngunit kinindatan Lang sya nito at ngumiti saka sumakay na ng sasakyan at umalis “hey!!!” sigaw ulit ni stella pero hinde na nya ito naabutan pa napa sabunot nalang si stella sa buhok nya dahil sa inis “ano ba pinagsasabi ko do’n? Pumayag ba talaga ako? “ inis na tanong ni stella sa sarili “ang tanga tanga mo stella!!! sermon ni stella sa sarili nya “anong gagawin ko?” tanong ni stella sa sarili habang naglalakad pabalik ng hotel