"eh pa'no ka nakakasiguro na hinde na tayo magkikita ulit?" tanong ng lalaki "Basta" Sabi ni Stella "oh Sige ganito nalang mag pustahan nalang tayo pagkalabas natin sa eroplanong ito mag hiwalay na tayo ng landas tapos sa loob ng Isang linggo kapag nagkita tayo ulit automatic tayo na" nakangiti na sabi ng lalaki "ayoko nga!" masungit na Sabi ni stella "ayaw mo dahil alam mong matatalo ka?" naka ngiti na Sabi ng lalaki "leeg mo!" mataray na Sabi ni Stella "anong leeg ko?" kunot noong tanong ng lalaki "nek nek mo" masungit na Sabi ni Stella at humarap pa ito "eh dapat leeg leeg mo Kasi nek nek mo dalawang neck yon eh" nakangiti na sabi ng lalaki at natawa naman si Stella dito "I'm glad na napangiti kita kanina ka pa Kasi ngumangawa Jan baka maubos na ang tubig sa langit kakaiyak mo at bumaha

