Masayang pinagmamasdan ni Lilly ang mga itik habang hinahagisan niya ito ng pagkain. Hindi niya alam kung bakit aliw na aliw siyang pagmasdan ang mga ito. Sa mahigit isang buwan niyang paninirahan sa poder ni Geordie ay nakasanayan niya rin ang pamumuhay sa tabi ng dagat. Maging ang mag-alaga at magpakain ng mga hayop ay tila kabisado na niya. Halos bumalik na rin ang kanyang nawawalang alaala. Hindi man ganap ngunit nubemta porsyento na. Kaya unti-unti niya na ding nauunawaan ang lahat ng pangyayari sa kanyang buhay. Pagkatapos niyang pakainin ang mga itik ay sinunod niyang pinakain ang mga manok at baboy. Nang tapos na ay agad siyang nagdimpo at nagbihis ng damit. Lumabas ng kwarto saka tumungo ng kusina para magluto. Wala siyang kasama sa bahay. Si Fatima sa nasa ibang bahay. Hiniram

