"Are you sure about this, My Grace?" pagtitiyak na tanong ni Ysrael sa kanya. "If you want to change your mind, I will understand." "I already made up mind, Ysrael," madiin na sagot niya, at masamang tinignan ang kababata. "Don't tell me naduduwag ka?" "No, I'm not," mabilis na tanggi ni Ysrael. "Kung tagalang buo na ang desisyon mo, then we will do according to plan." "Good, I know I can count on you," sabi ni Lilly, at bahagyang ngumiti. Napakibit-balikat na lang si Ysrael. Ang tunay ay hindi siya sang-ayon sa plano na pagtakas ng mahal na prinsesa, para sa kanya kasi ay isa itong kaduwagan. Saka maaring magdulot lamang ito ng kapahamakan sa prinsesa. Ngunit wala siyang lakas ng loob na salungatin ang gusto ng kababata. Ayaw niya dumagdag sa bilang ng mga taong kinamumuhian nito.

