Nasa may salas sila ni Francis, at sinusubaybayan si Fatima habang nakaupo ito sa may sahig at naglalaro mag-isa. Hindi niya maiwasang napasulyap kay Francis na kasalukuyang busy sa kanyang phone. Panay ang tipa nito na parang bang may mahalagang kausap ito. Nagpakawala na lang siya ng isang buntong hininga habang pinipigilan ang kanyang saliri na sumama ang loob. Gaano man kasi katanggap-tanggap ang paliwanag ni Francis sa kanya kung bakit siya hindi nito maipaglaban, hindi pa din niya maaalis ang madismaya. Nagpapasalamat na lang siya at kasama nila si Fatima, kahit paano ay naaaliw niya ang kanyang saliri. Nakita niyang tumayo si Fatima at naglakad patungo kay Francis. "Papa..." wika ni Fatima habang pinipilit na abotin ang kamay ni Francis. "He's not your Papa." mabilis na pagtatama

