Malungkot na pinagmamasdan nila Gwendolyn at Anthony ang kanilang Kuyang si Francis. Ilang linggong wala pa rin itong malay. Hindi tuloy maiwasan ni Gwendolyn na lumuha sa awa. Ganito pala ang pinagdaanan ng kanyang mga kapatid at ama. Napakahirap pala. Naisip niya din ang asawang si Howell. Hindi din pala madali na mahalin siya. "Tahan na, Sweetheart," saway ni Anthony sa kanya. "Hindi makakabuti sa 'yo ang pagluha." "Alam ko pero hindi ko maiwasang hindi lumuha. Ano ba talaga ang nagyayari kai kay Chico? Ipaliwanag mo nga sa akin ng maayos, Gatas," wika niya sa namamaos na boses. "Sabi mo out of danger na si Chico. Eh, bakit hindi pa din siya nagkakamalay? What's stopping him?" Inakbayan niya ang kapatid. "Hindi ko din alam, Sweetheart," sabi niya, at napabuntong hininga. "Kahit nga

