Kanina pa naasiwa si Lilly dahil panay ang pasulyap-sulyap at paminsan-minsan na pagtitig sa kanya ng lalaking doctor na nagngangalang Francis. At hindi lang iyon, ito pa ang personal na umaasikaso sa kanya. Hindi na yata ito umaalis sa room niya. Napatingin siya sa kabuuan ng kwarto. Sa unang sulyap, hindi mo ito mapapansin na ito ay isang hospital room. Napakaganda ng interior design. Iisipin mong nasa isang Presidential Suite ka ng isang 5 star hotel. Tanging ang kanyang kinalalagyan na hinihiwalay ng glass wall ay makakapagsabi na isang private ICU ang kwarto. Yesterday, she asked Titus kung sino ang estranghero doctor, at ang sabi ng kaibigan ay lover boy niya daw ito. Napanganga na lang siya at hindi makapaniwala na kasintahan niya ang nasabing doctor. Ilang beses niya ng kinaka

