Naging masaya ang araw na iyon para kay Lilly at Francis. Pagkatapos nilang mag-agahan ay niyaya siya ni Francis na mamangka. Walang pag-aalinlangan namang pumayag naman si Lilly. Francis smiled, and held her by her waist. "Thank you for saying yes. I swear, hindi ka magsisisi." "Alis na tayo?" excited na saad ni Lilly. Tumango si Francis, at pinagsiklop ang kanilang kamay. "It's amazing how your hand really fits mine," he commented, and smiled at her. Napangiti na lang si Lilly para ikubli ang kakaibang damdamin na bumabalot sa kanyang puso. Samantala habang palabas sila ng resto ay hinarang sila ng isang stafff para iabot kay Francis ang ilang pumpum ng white roses at dalawa sumbrero. "Naghihintay na po si Mang Thomas at ang bangka sa may dalampasigan." "Good," sabi ni Francis,

