"Princesses?" gulat na pag-ulit ni Francis saka kumunot ang noo nang mapansin ang taong nasa likod ni Lilly. Ano ang ginagawa ng lalaki na iyon dito? Hindi siya maaring magkamali, nakita niya ito noong mag volunteer doctor siya sa isang medical mission na pinamamahalaan ni Austin sa Spain. Ito din ang lalaking sinamahan ni Lilly, at ang dahilan ng biglaang niyang pag-alis noon sa kalagitnaan ng medical mission, at ang lalaking naghatid kay Lilly sa may kastilyo saka humalik sa pisngi ng dalaga. Tinignan niya sina Austin at Daphne ng may pagtataka. "What's with that look, Kiko?" nagugulohang wika ni Daphne saka sinundan ng tingin ang mga mata niya. Gusto niyang liwanagin ang ano mang nasa kanyang isip pero bago pa siya makapagtanong sa kaibigan ay mabilis na dumilim ang kanyan

