Naging super busy at hectic ang mga sumunod na araw ni Francis. He was always on the go. At lagi may business conference na pinupuntahan. Maliban sa regular rounds schedule sa St. Michael Hospital ay lagi din siya sa construction site ng kanyang bagong pinapatayong children hospital at home for the aged. Kung hindi naman ay lagi siyang sumadsna sa mga medical mission at kahit maging school outreach program na pinapanguluhan ng kanyang kaibigan na si Heramarie. He wanted to make himself busy and tired para pagdating niya niya sa kanyang silid sa rooftop ng St. Michael Hospital ay matutulog na lamang siya at wala na siyang panahon na magkapag-isip. Ngunit nagkamali siya sa kanyang akala. Kasi kahit ano'ng pagod ang kanyang maranasan pagkatapos ng napakaraming niyang aktibidad hindi pa din

