Mukhang hindi yata papayag ang panahon sa kagustuhan ni Francis na basta na lang mamatay dahil ng mga oras na iyon ay nasa likod lamang niya, ang kanyang sekretaryang si Verna. At dinig a dinig nito ang pag-uusap nila ni Lilly. Halos napabahala ito ng makita siyang hawak-hawak ang kanyang dibdib. Mabilis nito siyang nilapitan para sana ay tanungin ngunit bigla na lang nawalan siya ng malay. Maagap siya nitong sinalo, at sinugarado na hindi tatama ang kanyang ulo sa sahig. Pinagtatampal din nito ang pisngi niya para ibalik ang kanyang diwa. Nang hindi man siya umimik sa pagkakatampal sa kanya ay agad na kinabahan si Verna. Mabilis nitong inayos ang kanyang katawan sa sahig bago kinuha ang cellphone niya, at dagling tinipa si Doctor Lhenard. "What can I do for you, My Love?" tudyong sabi ni

