HALSEY POV "Ganun talaga! Kasalanan mo yan kasi lumayas ka ng walang pasabi sa kanila. Hahahahah! Buti nga at na sermonan ka, consider it as your hard lesson. At isa pa, pwede bang intindihin mo ang papa mo kasi siya ang nagpapa aral sayo so malamang pinaghihirapan niya yung perang binibigay sayo. Wag ka na kasing magloko sa pag aaral mo okay? Ako nga, nasa abroad ang papa ko at gusto ko na bumalik siya dito sa Pilipinas kahit sa mismong araw lang ng graduation ko pero nag aaway na kaming dalawa eh." "Ganun ba? Sana ay ma meet ko rin ang papa mo kahit na video call lang. At buong pamilya mo na rin kasi tatlong taon na tayo eh!" paghihinaing niya kaya mas naiinis tuloy ako but I realized na matagal ang relasyon namin so sasabihin ko lang na wala na akong iba pang pamilya at mag isang naka

