HALSEY POV Kahit na kaylan pa niya ako kulitin ay ganun pa rin ang magiging sagot ko sa kaniya. "Noted po. And please, sana po ay matuloy na ang practice natin bukas sa school kasi mas determinado po akong mag champion kami at sana this time ay si Jenny na po ang mvp." "Kapag nalaman ko na sinusulsulan niya ang mga ka grupo mo na magalit sayo, siya ang malilintikan sa akin. Coach niyo ako at professor, hindi ko hahayaan ang mga ganitong pag uugal sa inyo. Pero paano kaya kung hanapan ko siya ng butas sa school para hindi siya maka graduate ha?" "Ay wag po please!" Gulat kong sambit, "Isang mabait na estudyente si Jenny at katulad ko na isang masipag mag aral. Normal lang din po siguro sa mga students na mag away away kapag ganito na may umaangat. Baka nga po kung ako ang nasa kalagayan

