HALSEY POV Pagdating ko sa school, nakita ko si Jenny na kausap ang iba niyang mga kaibigan sa school. I am so afraid to approach her dahil malamang ay pagtataasan niya ako ng kilay dahil sa ginawa kong pagtanggi sa libre ng ka team namin kahapon. Kapag tinanong niya ako, I will make sure ibubuntong ko ang sisi sa boyfriend ko dahil siya naman talaga ang mayroong kasalanan kung bakit ako wala. Baka nga habang nakain sila kahapon ay pinag usapan nila ako kagaya ng palagi niyang ginagawa sa akin. Lakas loob akong akong lumapit sa kanya. At pag harap ko ay lumingon siya sa akin. Unit unting nawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Tumaas ang kanang kilay niya. "Girls, iwan niyo muna kami ni Halsey. I wanted to talk her in private," seryoso niyang sambit sabay krus ng kamay sa kanyang dibdib

