LLOYD POV Nakaka kalahiting bote pa lang ako ng alak ay ang lakas na kaagad ng tama ko. Nagyayabang pa ako kay Migz ngunit hindi ko rin pala kayang panindigan ang ginawa ko. "Hahaha! Namumula ka na kupal!" natatawa niyang sambit, siya nga nakaka dalawang bote na ngunit parang wala pa rin sa kanya. Tinunga ko na yung natitirang laman ng beer na iniinom ko at nilapag ito sa lamesa. Lumingon ako sa kanya at natawa na lang din sa nangyari. "Ganito siguro kapag malalim ang problema hehe!" "Para kaynino ba yang hinanakit mo ha? Para sa tatay mo ba o para sa kapatid mo? Oh baka naman para yan sa girlfriend mo?" "Sanay na ako sa family problem namin sa bahay pero naiinis lang din ako sa sarili ko dahil sa katangahan ko sa girlfriend ko. Sa sobrang inis ko lang kasi sa exam ay nagawa ko si

