HALSEY POV Lubug na ang araw ng makarating kami sa isang village kung saan nakatira sila Roy. Grabe, ang gaganda ng mga bahay dito. Puro mga may second at third floor pa. Mga modern design ng mga bahay dito na halatang mamahalin. Iba talaga kapag anak ng mayaman. Mapapa sana all na nalang din ako. Kaya hindi na nakakapagtaka na ganito kagara ang kotse ni Roy. Litetal na rich kid siya. Samantalang kami ni Lloyd, mga mga mahihirap lang na sumasapat yung pera para sa tuition. At maganda yung bahay nila Roy. Parang nasa ika apat na palapag. Napanganga talaga ako ng matindi kasi ito yung masasabi ko na kumabog sa dream house ko. Para ngang kahapin lang ito ginawa kasi halatang bagong bago. Paglabas namin sa kotse, narinig kaagad namin ang tugtog na nanggagaling sa loob. As in literal na pa

