HALSEY POV Ang saya nilang tingnan at si Ninong, ngayon ko lang siya nakitang may kaakbay na babae. Masaya ako kung natagpuan na niya ang babaeng hinahanap ng kaniyang puso. Yung babae na makakasama na niya sa pang habang buhay. Handa kong kalimutan kung ano man ang nangyari sa amin as long as mayroon na siyang ibang babae na magiging partner. Natuon ang atensyo ko kay Jenny na nahinto sa paglalakad. Nakita ko yung mga luha sa mga mata niya na gusto nang tumulo sa kanyang pisngi. Ouch! Seeing this, na yung crush at lalaking sobrang kinahuhumalingan niya ay mayroong kasamang ibang lalaki. Hindi ko rin masisisi ni Jenny, baka kung ako rin ang nasa kalagayan niya ay masaktan din ako dito. Iyan kasi, masyado siyang pakialamera sa love life ko kaya masakit din ang naging ganti sa kanya. Hi

