HALSEY POV Tumingin ako kay Jenny ng may inis. "Sis please hayaan mo ako! I just can't let her have my phone, sobrang mahalaga iyon sa akin. Nagpadala na ng allowance sa akin si papa at nandoon yung code!" I reason out. "I understand pero ginawa mo na ito dati kay Sir Dave so maawa ka sana sa sarili mo! Mapapahiya ka lang kung hahabol ka kay Ma'am. We still have until six pm pa naman kasi ganun ang out ng ating dean. So sana ay makuha mo pa rin. If you want, before going to the practice, sasamahan ka namin mamaya sa dean. Just say your sorry at sabihin mo na marami ka lang iniisip tungkol sa volley ball!" "Oo nga tama ang sinabi ni Jenny!" pag sang ayon pa ni Danica. "Ayaw ka naming mapahiya ulit nang habulin mo si Sir Dave nitong nakaraang araw. One embarrassment is enough, naaawa kami

