HALSEY POV Lumapit sa akin ang boyfriend ko at niyakap ako ng mahigpit. Napayakap ako sa kanya, ang lakas maka teleserye ng ganitong eksena pero nararamdaman ko yung pagmamahal ng boyfriend ko sa higpit ng yakap niya sa akin. I really thought na siya ang unang taong magtatakwil at kamumuhian ako ng todo todo subalit kabaliktaran nito ang nangyari. "Babe, para lang sa kaalaman mo, taos puso akong nagpapasalamat na ikaw yung naging girlfriend ko. Ang tagal na nating nagsasama at ang dami na nating mga napag daanang mga pagsubok sa buhay. Pero ito ang pinaka malala sa lahat." Pero hindi sapat ang mga sinabi ni Lloyd para mawala ang kalungkutan na nararamdaman ko. Andoon pa rin yung nababalisa ako at maraming iniisip. Makakarating ito sa papa ko at samut saring pang huhusga ang matatanggap
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


