When we are angry over someone, we tend to think of the bad things we want against them. We even think of revenge so we could make them feel the grief we went through. But is there any point to your anguish that could make you feel better?
I had so many bad experiences in my past, and those experiences are something that really made me mad at the world. Like, why do I have to suffer from that, why does my brother Damon need to go through that? Why can’t we live our lives without being traumatized by other people’s depravity. If only I could do the same thing as those people did to my family, I would. My mom died when I was still a kid. Damon took care of me when dad was busy, and some bad guys killed dad and tortured Damon, and that’s unforgivable. But I have a reason why I can't, and it’s because of. . .
"Dim?" nilingon ko ang kapatid ko. It’s been months since I've seen him, simula nang umuwi ako sa kaniya, kinuha niya ako mula sa pangangalaga ng aunt namin na pinaghabilinan niya sa akin noong bata pa ako. Ngumiti ako sa kaniya bago inayos ang bag ko. Papasok kami ngayon sa trabaho, nauna akong makagayak sa kaniya so I waited him outside. Siguro’y kanina niya pa ako tinatawag. I just can’t help but reminisce about everything we've been through at the hands of cruel people.
"Are doing fine on your new job, I was always busy with my work. I can’t monitor if you’re comfortable with your workmates." Inayos niya ang kaniyang uniform, habang tinatanong iyon. Ngumiti ako. Damon is not the kind of man that you can read easily, pero dahil kapatid ko siya at kahit napakatagal kong hindi siya nakita ay kilala ko pa rin siya. He cares. Not everyone knows that.
"I’m fine, Damon. Anyway, where’s Meast? Bakit bihira ko siyang nakikita dito?" Sumimangot siya sa nagging tanong ko. Meast is his best friend. Meast Trigon Schneider. Mabilis ko itong naka-close noong ipakilala ako sa kaniya ni Damon. Unlike Damon, Meast is a kind of man na kayang minsan seryoso at masungit pero kapag ka-close mo siya, he’s kind.
"He’s busy, and why are you asking? Do you like him?" Umiling ako at natatawang nag-iwas ng tingin. Konti? I like him a little. Sino bang hindi siya magugustuhan? But not that much. May nagugustuhan na si Meast. He loves her so much. Wala akong plano na sirain ang kung ano man ang nabubuo sa kaniya at kay Valierie—his special someone.
"Tara na nga, ayan ka nanaman e!" alam ko naman nang-aasar lamang siya. Palagi naman niya akong tinatanong ngunit hindi ko naman siya binibigyan ng oo na sagot, ‘cause hindi naman talaga. Ang pagkagusto ko kay Meast ay hindi malalim at hindi siya ‘yong klase ng pagkagusto na tipong masasaktan ako. Hinatid ako ni Damon sa café na sinabi ko, at ayon nanaman ang mga babae na halatang nagpapansin sa kapatid ko na hindi naman interesado sa kanila. Napailing na lang ako. Nagpaalam na rin si Damon dahil may meeting pa siya and I just nodded my head with a smile on my face as I watched him leave the café. Ako naman ay dumeretso sa vacant table after mag-order and took out my laptop to start my work. May appointment din kasi ako mamaya, I’ll meet with my client, so I was rechecking the power point presentation na ginawa ko.
I was busy checking my PowerPoint nang marinig ko ang chimes ng café na tumunod nangangahulugan na may pumasok. Hindi sinasadyang napaangat ako ng tingin doon at plano ring ibaba ang tingin sa laptop ngunit tila napako ang tingin ko sa lalaking pumasok doon. Nakapamulsa siya, wearing a black button-down sleeve na bukas ang unang tatlong butones shows his silver necklace with a geometric rectangle pendant, paired with his black tattered jeans and white sneakers. He has this jet-black disheveled hair that complements his drowsy hawk-shaped, sterling gray eyes. Matangos ang kaniyang ilong at mamula-mula ang medyo basing labi tila katatapos lamang niya iyong kagatin at pasadahan ng kaniyang dila. He’s tall, matitiyak kong nasa six feet ang height niya and I don’t know why, at that moment, I can’t look away or look back to what I am doing. I was just simply watching his every move and silently admiring his physique.
Hindi ko inaasahan na mapapalingon siya sa direksyon ko kaya agad na nagtama ang paningin namin. He caught me staring at him, and that made my eyes go wide as I immediately looked away, embarrassed of being caught staring at someone I don’t even know. Ngunit tila may kung ano sa lalaki na kaagad akong napabalik ng tingin and this time, muli nanaman kaming nagkasalubong ng tingin, what’s worst is that. . . he smirked at me!
Malakas na kumalabog ang dibdib ko sa nangyari. Hindi ko ‘yon mapigilan at hindi ko na rin maialis ang titig sa kaniya. Kahit noong umiwas na siya ng tingin at nag-order ay nasa kaniya pa rin ako nakatitig. The guy didn’t give me another stare as he walked towards the door of the café and left. Dinig ko pa ang pigil na gigil at kilig ng mga babae sa café katulad lamang ng reaction nila kanina kay Damon. Well, that guy is damn hot and handsome, maging ako ay nakuha niya ngunit hindi lang ako tumili gaya ng mga babaeng naririto.
Pinilit kong huwag nang isipin ang lalaki at ipinagpatuloy na lang ang ginagawa, I was checking my wristwatch time to time, dahil baka mahuli ako sa appointment ko with our client. I just fixed my things, grabbed my coffee, and immediately take my steps out of the café. I was on the outside already when someone grabbed my arm and pulled me. Napasinghap ako at agad na nilingon kung sino 'yon at halos mawalan ako ng maisalita ng malamang ang lalaki kanina ‘yon. Nakarating kami sa isang itim na Audi. He stopped, hinila niya ako sa unahan niya, took my things ng and my coffee na tinapon niya kung saan habang ang mga gamit ko’y tinapon niya sa backseat ng kaniyang kotse. He was too fast na hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko, ang kumawala o kunin ang mga gamit ko. Mas lalo akong nataranta at nawalan ng lakas ng kunin niya ang nagpupumiglas kong mga kamay at nilagay sa likuran ko. He was standing behind me, kaya walang nakakapansin sa amin na may nilalagay siya sa dalawa kong kamay.
"W-What are you doing? A-anong nilalagay mo?” I tried hard upang makagalaw ngunit pinipigilan niya ako.
"Sumama ka sa akin ng tahimik at 'wag kang mag eeskandalo." mariin na sabi niya at diniinan ang pagkakahawak sa braso ko. "Bitiwan mo ako p-please... s-sino ka ba?" mariin din na utos ko and was about to escape from his grip when something touched my waist. Isa niyang kamay ay nakahawak sa bewang ko ngunit ang mas nakapagpatigil sa akin ay kung ano ang nakatutok sa kabila.
Nanlamig ako dahil ng sandaling bumaba ang tingin ko roon ay nakita kong baril iyon. He has a f-f*****g gun! Walang nakakapansin sa amin dahil nakapwesto siya sa likuran ko at ngayon ay nakayakap na ang kamay niya sa bewang ko. Tama lang ang lapit ng katawan niya para malayang matutukan ako ng baril habang ginigiya papasok sa kaniyang kotse. Naluluha akong napasunod at natahimik. There are some images that flash in my mind that make me shut my eyes. I was trying to forget that. Ngunit pinapaalala lang sa akin ng lalaking 'to.
Nang makapasok siya ay mabilis niyang ni-lock ang pinto. He leaned closer to me and buckled my seat belt. While I remained stiff as my breathing became rigid. Ang luha ko'y naiwan sa mga mata ko. Hindi sila tumutulo pero alam kong naroroon lamang sila.
"I h-hate you... whoever you are, I f*****g hate you." I mumbled. I'm scared of his real motive. Naiiyak na ako ngunit hindi magawa dahil pakiramdam ko namumutla pa rin ako dahil sa pagtutok niya ng baril sa akin.
"Shut up. . .” As if I have a choice? Anong laban ko sa baril niya?!
Damon.
I want to cry. Gusto ko siyang tawagin pero natatakot ako. Isa pa, ayoko siyang mag-alala pa sa akin. Ayokong ipahamak siya. Meast. But I don’t have my phone! Nasa backseat ‘yong bag ko, how am I supposed to get that when I am handcuffed behind me.
"What do you want? Where are you taking me? Why are you doing this? I don't even know you. Wala naman akong atraso sa 'yo, bakit mo ginagawa 'to?!" humigpit ang kapit niya sa manibela. Hindi siya umimik. Maging ang panga niya ay marahas na nagtatagis, tila nagtitimpi. Gone was the guy I was admiring earlier. Looks can be really deceiving. Kinakahiya ko ang sarili kong sandalling humanga sa kaniya.
"This is kidnapping! Pwede kang makulong sa ginagawa mo! Just. . . just let me go and I’ll forget about this. Hindi ako magsusumbong sa police, pakawalan mo lang ako.” I tried to convince him. Ngunit hindi niya ako binigyan ng sagot. Nanatili siyang nagmamaneho. I was moving uncomfortably because my hands are already aching gawa sa posas.
“Ano ba talagang kailangan mo? Wala naman akong atraso sa ‘yo ah! You’re evil!”
"Shut the f**k up woman if you don't want me to kill you and your f*****g brother! Behave yourself before I do something you'll never like! Bullshit!" halos mapakislot ako ng marahas niyang hinampas ang manibela at sa galit niyang pagsigaw tila naririndi sa pagsasalita ko. Ang nangingilid ko lamang na mga luha ay unti-unti nang tumulo. Base on his voice, and on how he yelled at me. His voice was full of hate and anger. My brother? Galit siya kay Damon? Anong atraso ni Damon sa kaniya?
What the f*****g f**k is his f*****g reason?!
Nanginginig ang katawan ko, gusto ko man palisin ang mga luhang kumawala sa pisngi ko ay hindi ko magawa, hanggang sa matuyo na lamang ang mga ‘yon. I was even trying to stifle my sobs from escaping my lips. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang marahas niyang pagbuntong hininga at pagsuklay sa kaniyang buhok. His jaw moved harshly. Halos hindi ko na namalayang huminto na kami sa harap ng isang bahay. The area was too far from the neighborhood. Secluded and dark. I always find darkness, comfortable. But this place isn't the same. It makes me feel the terrifying feeling that people often use to describe being in the dark. It screams danger.
"Baba," kaagad akong napasunod sa ma-autoridad niyang utos nang buksan niya ang pinto. Hindi pa man ako tuluyang nakakababa au nahila na niya ako sa braso. He took my bag, leaving my phone inside his car. Bitbit ang bag sa isang kamay ay hinawakan niya ang braso ko at hinila ako papasok sa loob ng bahay. Hindi pa lang kami nakakapasok ay nangangatog na ang tuhod ko at halos madapa na ako sa pagsunod sa kaniya.
"B-Bakit mo ba talaga ako d-dinala rito? A-Ano bang kasalanan ng kapatid ko?” He threw me on his couch as he put his gun back on his behind. Hinubad niya sa harapan ko ang sleeve n'ya, leaving him half-naked. He looked at me with emotionless eyes before walking over to the nightstand and taking something. Bumalik siya sa harapan ko at tinapon sa lamesita ang itim na folder.
"W-What is that?" I asked. Pumunta siya sa gilid ko at tinanggal ang pagkakaposas ng aking kamay. Marahan kong hinimas iyon, Nakita ko pa ang bakas ng mga ito sa dalawa kong palapulsuhan.
"That paper will be the one that will decide your fate. Pirmahan mo, mabubuhay ka. Magmatigas ka at papatayin kita." bigla akong namutla sa sinabi niya. Nanginginig ang kamay na kinuha ko 'yon at binasa only to know that it was a contract saying that I was giving myself to him as a fungible asset in exchange that he wouldn't do something that would ruin my brother. I know Damon, he’s a devil. I know that he’s a mafia, pareho sila ni Meast, but I don’t know this man and how dangerous he can be. Minsan na si Damon na naghirap sa kamay ng masasamang tao, hindi ko kayang mag-take ng risk. I can’t even escape here, or maybe I can pero hindi pa sa ngayon dahil hindi ko alam kung saan niya ako dinala. Hindi makapaniwalang nilingon ko ang lalaki na walang emosyong nakatitig sa akin.
“A-Are you crazy?”
"No."
“Anong tingin mo sa akin bagay?! Madaling bilihin? Madaling gawing pag-aari mo? Madaling maging bayad?” He smirked at me.
"Sa laki ng atraso ng kapatid mo sa akin, kulang pang kabayaran ang buhay mo, Divecca Marianne. Marami akong bala laban sa kapatid mo. Kung magmamatigas ka. You're going to be your brother's downfall. Now choose. Give yourself to me and marry me? Or choose yourself and let your brother fall?” I don’t hate my full name, pero ng banggitin niya iyon ay parang ayoko na lang iyong gamitin.
“Damn you, why are you doing this?! Anong atraso ng kapatid ko sa 'yo huh?!” napatayo na ako at matapang siyang hinarap ngunit marahas lang niyang hinawakan ang panga ko at gamit iyon ay tinulak ako pabalik sa couch. He took out his gun and pointed it at me. Halos tumigil ang t***k ng puso ko sa ginawa niya.
“Sign it!" utos niya na hindi ko agad ginawa.
"Putangina pirmahan mo na!" I flinched. Halos mapasigaw ako sa takot at gulat ng mas idiin niya ang pagkakatutok sa akin ng baril. I chewed my lower lip and, with my tears falling, I took the pen and signed the contract, despite my trembling hand. Pumapatak ang luha ko sa papel ngunit hindi ko na iyon alintana. I feel so empty. Hindi ko na alam kung tama ba ang ginawa kong pagpirma. Hindi ko na rin nagawa pang hangaan ang pangalan niyang nabasa ko. Hunter Martinez. That was his name, but it’s odd… I never heard his name before even from my brother.
He took the contract and hid it somewhere. Itinago na rin niya ang baril pagkatapos ay bumalik sa akin.
“We’ll leave this country. When we get to Vegas, we'll perform the wedding. Expect that it's not the typical wedding ceremony that you know. From now own, you’re my person Divecca. You’ll do everything I’ll tell you to. Wala kang pwedeng tawagan o kausapin sa kapatid mo at sa kaibigan niya, or alam mo na ang kalalagyan mo.” I was just listening to him, pero pakiramdam ko wala akong naiintindihan.
“Now go inside the room with the white door. Don't ever think of escaping me, Divecca. Hindi mo pa alam ang kaya kong gawin,” pagbabanta niya na hindi ko na rin pinagtuunan ng pansin. Tahimik ko siyang sinunod at pagkapasok pa lang sa kwarto ay kaagad na akong nanghina.
Ako ba? Ako ba ang magbabayad para kay Damon? Kung gano'n gagawin ko. Damon protected me before. It's my time to do the same. Para makabawi. Gagawin ko lahat huwag lang madagdagan ang hirap na pinagdaraanan ng kapatid ko. Ano man ang nagawa niya kay Hunter para magalit ito ng ganoon katindi. Wala na akong pakialam. He took me as a payment for my brother's arrears with him.
Hindi na ako nagmatigas pa.
Kinabukasan ng hapon ay totoo ang sinabi niya na aalis kami ng bansa. Mabigat sa pakiramdam ko na umalis, without informing my brother and Meast. Alam kong hinahanap na ako ni Damon ngayon. Alam kong nag-aalala na siya pero wala akong magagawa. Hawak na ako ni Hunter sa leeg. Ano mang pagtakas ang gawin ko, buhay ko at ni Damon ang nakataya. Sa dami ng nakasunod sa amin na tauhan ni Hunter sa airport ay alam ko nang hindi nga siya basta-basta. Akala ko, wala ng mas dedelikado pa kay Damon o Meast, but this man... I knew he had so many skeletons in his closet.
Hunter isn't just a mere guy who has the looks, brain, and money. There was something dark in him... or maybe... he was the darkness himself, luring me.