chapter 3

1577 Words
Habang nagpapaanod sa nararamdaman kong kalungkutan ay bumabalik sa'kin iyong mga araw na magkasama kami ni Arthur. Iyong mga araw na inakala kong tuluyan na nitong nakalimutan ang babaeng unang minahal. Akala ko lang pala iyon. Ang tanga ko! Ngayon ko lang napagtanto na iyong mga ginagawa pala naming paglabas-labas na noon ay tinuturing kong romantic dates ay maihahalintulad lang pala sa karaniwang ginagawa ng mga magkakaibigan at hindi ng dalawang taong nagmamahalan. Kailangan ko lang palang maranasan na hindi siputin sa araw ng kasal upang tuluyan akong magising sa katotohanan. Sarili ko lang iyong kinakawawa ko at sa darating na mga araw ay aasahan kong magiging mas kakawawain ako ng mga magulang ko. Tiyak na sa akin na naman ibunton lahat ng sisi. Kesyo nagkulang ako kaya ako iniwan. Ako na naman iyong may mali kaya sumama iyong groom ko sa ibang babae sa mismong araw ng kasal ko. Ni hindi man lang maisip ng mga ito ang nararamdaman ko dahil sa mga nangyari. Mas uunahin pa nila ang mga sarili nila at ang reputasyon ni Ate Zena na maaaring maaapektuhan dahil sa eskandalong kinasusuungan ko. Ang sarap talagang maglayas at pumunta sa lugar kung saan ay walang nakakilala sa'kin at sa pamilya ko lalong-lalo na sa kapatid kong si Zena Medina. Nagmulat ako ng mga mata nang huminto ang kinalululanan kong sasakyan. Muntik nang mawaglit sa isipan ko kung nasaan ako ngayon at sino ang kasama ko. Ang totoo niyang ang sarap talagang lumimot muna kahit saglit lang, baka sakaling mabawasan itong nararamdaman ko ngayon. Walang dugong bayani ang nananalaytay sa ugat ko para pahirapan ako nang ganito! Hindi ako matapang pero bakit binigyan ako ng ganitong pagsubok? Unang sumalubong sa mga mata ko ay isang magarbong mansion na parang sinaunang kastilyo. Hindi ako magugulat kung biglang may lalabas na lumilipad na dragon mula sa likuran nito o 'di kaya ay biglang may mga kawal na sasalubong sa'min na nakasuot ng mga armor at may bitbit na mga espada o pana. Nang suyurin ko ang paligid ay nahigit ko ang hininga nang isang napakalaking fountain ang dumomina sa front yard ng kastilyo. Isa itong dragon fountain na kulay ginto na kasing taas ng dalawang palapag na gusali na may insignia ng pamilya Fariol. Ito iyong Dragon Fountain na simbolo ng awtoridad at yaman na meron ang pamilya Fariol. Hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin ang Dragon Fountain na ito dahil sa haka-hakang gawa ito sa purong ginto. Isang beses itong na-feature sa isang international magazine pero hindi pinabulaan o kinumpirma ng pamilya ang tungkol sa pagiging ginto nito. Wala ring ibang pinahihintulutang kumuha o mag-publish ng larawan ng Dragon Fountain kundi ang nasabing magazine lang kung saan ay isang larawan lang din ang inaprobahang ilathala. Ngayon ay ilang dipa lang ang layo ko sa kontrobersyal na Dragon Fountain at masasabi kong mas nakaka-intimida ito sa malapitan kumpara sa larawan. Nangangati tuloy akong magtanong dito sa kasama ko kung ginto nga ba talaga ito! "B-bahay ni'yo ba iyan?" tangi kong naitanong habang tumuon ang paningin sa matayog na kastilyong nasa harapan ko. Hindi naman talaga ito ang gusto kong malaman pero ayaw bumuka ng bibig ko para sa katanungang gusto kong iparating. Mas lalo yata akong nakaramdam ng pagkailang habang nakatingin sa establisyementong nasa harapan ko dahil sa presensya ng Dragon Fountain. "It's not as intimidating as you think," balewala niyang sagot. "It may look cold but it's homey inside." Simpleng yes or no lang ay hindi niya pa direktang maibigay sa'kin. Pero mas kapani-paniwala pa kung si Dracula iyong nakatira sa mansion na nasa harapan namin kaysa pamilya niya. "Bakit dito mo ako dinala?" may pagtataka kong tanong. Hindi naman siguro ito 'meet the parents' 'no? Meet the Dragon Fountain nga lang. Ang laki ng bahay at sobrang lawak ng front yard at hindi pa kasali ang natatanaw kong mga lupain sa paigid ng lugar pero wala akong natatanaw na ibang tao. Hindi ako artist o ano pa man para ma-appreciate ang makalumang estilo ng mansion dahil ang mga ganito sa'kin ay pang-haunted house na agad. Kakapanood ko ito ng horror films kaya ayoko sa mga ganitong estilo ng bahay at idagdag pa iyong ambiance ng paligid! Pero bahay nga ba itong matatawag gayong para itong lumang kastilyo kung saan ay matatagpuan ko pa sa loob iyong trono ng hari at mga labi kanyang mga loyal na tagasunod? Ganitong-ganito iyong mga nangyayari sa mga palabas na naliligaw na mga turista tapos napadpad sa lumang mansion na pag-aari ng isang gwapong lalaki pero nag-iibang anyo pagsapit ng gabi. Medyo kabado akong napasulyap sa kasama ko. Hindi naman siguro ito serial killer 'no? "I want to cheer you up," sagot niya sa tanong ko. "Kaya kita dinala rito." Napakurap-kurap pa talaga ako dahil hindi ko makuha iyong logic. "Dito talaga?" nababaghan kong tanong. Mas lamang na aatakihin ako ng pagkapraning ko sa ganitong lugar kaysa matuwa ako! "Maraming gustong masilayan ang Fariol Manor," hindi kumukurap niyang saad. Gusto kong magprotesta with matching placards at drums para damang-dama niya! Iniisip niya talaga na dahil gusto ng karamihan ay gusto ko na rin? Oo nga at nagsusumigaw ang kaelegantihan at karangyaan ng buong lugar pero hindi nito maitatanggi na hindi ito welcoming sa mga bisita na katulad ko. Kung gaano siya ka-indifferent at kalamig ay gano'n din ang nararamdaman ko sa atmosphere ng mansion. Parang may pa-warning sign na agad hindi pa man ako nakapasok sa loob na ayaw nito ng bisita. Nang maalalang ayaw ko munang umuwi at makaharap ang sarili kong pamilya ay isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi ko nang muling dumako ang tingin ko sa nakakaintimida na mansion. Sa ngayon ay mas pipiliin ko pang maging uninvited guest ng isang haunted mansion kaysa umuwi sa amin. Hindi ko na hinintay pa na magsalitang muli si Vlad at kusa ko nang binuksan ang pintuan sa gilid ko upang magpatiunang bumaba ng sasakyan. Nang makababa na ay saglit na dumako ang tingin ko sa malaking indoor slippers na suot ko bago tumingin sa paligid at pinuno ang sariling baga ng preskong hangin. Ang Fariol Manor at ang dragon fountain nito ay iilan lamang sa mga pribadong pag-aari ng mga Fariol na pili lang ang pwedeng makakita sa personal pero heto ako, kailangan ko lang palang iwanan ng groom sa mismong araw ng kasal ko upang makatuntong sa lugar na ito. Ang mas nakakatuwa ay kasama ko iyong successor ng tanyag na pamilya, iyong taong hinahangaan ng karamihan pero hindi pwedeng lapitan. "Welcome to Fariol Manor, Lushia." Napaigtad ako nang banggitin ni Vlad ang pangalan ko. Nawala sa isip ko na nagpakilala na pala ako sa kanya. Hindi ko maintindihan iyong kakaibang kilabot na hatid ng pagbigkas niya ng pangalan ko. Hindi naman iyong pang-horror na kilabot pero sapat na upang saglit na mawaglit sa isip ko iyong sakit na nararamdaman ko kasi nga pinanayuhan ako ng balahibo! Hindi ko ma- pinpoint kung ano iyong meron kay Vlad na nagbibigay sa'kin ng nakakabalisang pakiramdam. "Bakit parang walang tao," hindi ko napigiling komento. "I don't like people," walang gatol niyang sagot. Bigla kong naitikom ang sarili kong bibig. Ang galing ng lalaking itong magpatahimik ng kausap! Parang ayaw ko nang tumuloy. Bigo na nga ako pero pinapa- overthink pa niyang lalo! Ayaw niya ng tao pero isinama niya ako rito, hindi yata ako tao sa paningin niya. "Ang lungkot naman yata ng lugar na ito kung walang tao," wala sa sarili kong pahayag. Dapat ay sa isip ko lang sasabihin iyon pero huli ba nang mapansin kong nasambit ko pala talaga sa harapan niya. "Hindi ibig sabihin na wala kang nakikita sa paligid ay wala ng mga tao rito ngayon," aniya habang matamang nakatitig sa mukha ko. "I don't like people but the manor needs staffs to facilitate the cleaning and everything. But I don't want them loitering when I'm around." Medyo nakahinga ako nang maluwag. May mga tao naman pala. Wala akong dapat na ipag-alala dahil may iba pala kaming mga kasama. Sa laki nitong mansion at kabuuan ng manor ay tiyak na maraming mga tagapamahala at mga tagalinis ang kinakailangan. Muli akong napatingin sa mansion na nasa harapan namin. Napapasulyap ako sa mga bintanang nasa ikatlong palapag na natatakpan ng makakapal na kurtina at pakiramdam ko ay may mga mata mula roon na nakatunghay ngayon sa'min. Mabilis kong pinilig ang sariling ulo upang alisin ang mga guni-guni ko at baka mapunta na naman ito sa horror scene. Kinakabahan na nga ako sa makalumang estilo ng mansion tapos ngayon ay kung ano-ano pang pumapasok sa utak ko. Kailangn kong itatak sa'king isip na hindi horror house itong papasukin ko kundi ay ang ancestral mansion ng mga Fariol sa loob mismo ng Fariol Manor na hinahangad na mapuntahan ng lahat ng mga taong kabilang sa elite society. Nabibilang man sa lipunang iyon ang pamilya ko ay alam ko na sa normal na sitwasyon ay imposibleng mabigyan ng pagkakataon ang isang katulad ko na makapunta rito. Kapalit yata ng pinagdaanan ko sa araw na ito ay ang pagdating ng oportunidad na ito sa'kin Una ay nakilala ko at nalapitan ang most illusive 'king of soul' of music industry at pangalawa ay dinala niya pa ako sa Fariol Manor at nasilayan ko ang Dragon Fountain. Swerte na sanang maituturing kung hindi nga lang ako iniwan sa altar. Ang sarap sanang magdrama pero baka mabulabog ko ang mga kaninunuan ni Vlad na nanirahan sa loob ng mala-kastilyo nilang bahay!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD