KABANATA8

548 Words
Mila POV. "sit down" Saan po ba ser? keme. Baka masuntok ako neto. Nanlalamig naman ang kamay ko.Kala ko kikiligin ako pag naka usap ko si ultimate crush ko pero nangunguna talaga ang kaba. Sorry babes mahal kita pero mas mahal ko trabaho ko. Marami pa naman pogi dyan pero di kasing pogi mo hehe. "Hernandez right?" "Yes po Mr.Coulter" "I have offer for you" Ay baka maging bride nya. Sige po. Father i do po. ".......I saw that youre with my Naomi" Eto naba ang sign lord? eto kaya tanungin ko kung sila?di naman yata ako maghihirap at mawawalan ng trabaho diba? MY!? sila nga? "You look dumb." iNayos ko naman ang muka ko,sino ba kaseng di magugulat don like sino!? "Bantayan mo sya, siguraduhin mong walang makakalapit sa kanyang lalaki o mapababae man. How much? Name your price" Alona POV. Habang nagtatrabaho ako ay kausap ko sa telepono ang aking mga tauhan na si Elito. "Natapos mo na?" "Yes po, ipapasa ko nalang sa inyo, sigurado po ba talaga kayo sa plano nyo?" "Wag kayong mag alala diko kayo isasama this time" "Di naman ganon, Bishiana alam mong nandito ako at nag stay ako sa tabi mo kase kaibigan kita bago pa man mangyari lahat."Natigilan naman ako sa sinabi nya tama nga naman sya. Siya ang una kong naging kaibigan. Sila lang ang atong naka intindi sakin ng buo. Dumeretsyo naman ako ng mabilis sa banyo. "Alam kong umiiyak ka, naririnig ko.Gusto mo puntahan kita, namin dyan?" Ang tubig sa aking mata na kanina ko pang pinipigilan ay bigla na lamang itong tumulo. "H-Hindi na" Pinilit ko nalang magsalita.Gusto ko silang nandito para pakalmahin ako,pero ayokong madamay ulit sila sa sama ng ihip ng buhay ko. "Alona, naiintindihan ko that youre burn out, alam kong pagod kana......magpahinga ka na. Tama na" Sa bigat na nararamdaman ko ngayon. Wala nakong nagawa kung hindi humagulhol. Ambigat parang dala ko yung mundo para bang responsibilidad ko lahat ng nangyari after 20 years ago. Gusto ko hustisya pero bakit sila ang lumalayo sakin. Ako yung biktima pero bakit parang ako yung nagmumukang masama? Tama sya, pagod nako but i left with no choice Ginusto ko to. At kung mabubuhay ako ulit at nangyari sakin yon gugustuhin ko gawin yon. "Napatay na namin si Eula, paniguradong kakalat yon. Alam mo naman na kung paano sasanggahan sarili mo diba? kung punong puno kana..... balik kana rito" Pinatay ko na ang tawag na iyon.Naghilamos naman ako para hindi halata ang pag iyak ko.At napansin kong nagkakagulo na sila. "Patay na raw si gov" "Paano nangyari yon?" 'Kaya nga puno yon lagi ng body guard e" "Ano sabi ni sir?" "Ewan hanggang ngayon dipa lumalabas e" "Baka umiiyak" "Yon?iiyak?HAHAHAHH" "Bakit?magulang naman nya yon" "Ewan ko sayo para kang nagtanong kung masakit ang saksak ng kutsilyo" Agad naman akong pumasok sa opisina nya at tiningnan ang lagay nya. Nagtatrabaho naman sya doon at mukang walang pake sa nangyayari sa paligid nya.Muka namang di umiyak. At wala akong makitang lungkot sa mga mata nya.Pilit kong tinitingan. Diko makita ng gusto kong makita, gusto kong makita syang nahihirapan at nasasaktan.... gusto ko makita yung galit na hinahanap ko sa kanya 7 buwan nako nagtatrabaho sa kanya. At never ko syang nakitang nagalit maliban sa trabaho at empleyado.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD