Chapter 37 Nisse’s Pov MATAPOS ANG pag uusap namin ni daddy ay palagi na akong ilag sa kanya. Ilang araw na din kaming ganito sa bahay. Pakiramdam ko nga ay hindi niya ako nakikita. Si daddy din kasi ay umiiwas sa ‘kin at hindi din niya ako pinapansin. Hindi nagpapansinan si mommy pero minsan ay nakikita kong kinakausap ni mommy si daddy. Para bang sinusuyo niya ‘to na wag na magalit. Pakiramdam ko ay ginagawa yun ni mommy para hindi lumala ang sitwasyon. Naawa ako sa kanya dahil kahit anong sungit ni daddy sa kanya ay gumagawa parin siya ng paraan para magkabati silang dalawa. Dalawang araw na akong absent dahil panay ang kulong ko lang sa kwarto ko. Wala din naman akong ganang pumasok sa school. Pinatay ko din ang phone ko dahil ayaw ko munang may manggulo sa ‘kin. Nakaka stress na

