Chapter 52 Nisse’s Pov HINDI ako lumalabas ng kwarto dahil sa napagalitan ako ni daddy. Nagtatampo ako kaya wala akong balak na lumabas ng kwarto. Kanina pa din kumakatok si daddy sa labas ng pinto ko. Pero wala akong balak na pagbuksan siya. Nakakatampo talaga siya. Dapat ba talaga niya akong sigawan dahil sa galit siya sa ginawa ko. Wala naman akong ginagawang masama. Mabuti nga at pinagbuksan ko pa ng gate ang lalaking yun eh. Para malaman ko kung sino yung nasa labas. Wala namang nangyaring masama sa ‘kin. Dapat magalit siya kapag nakapasok yun ng bahay at pinagnakawan kami. Eh hindi naman. Masyado siyang pranning para pagalitan niya ako. Nakadapa lang ako sa kama habang nakatitig sa pinto ng kwarto ko. Dahil sa pagtatampo ko kay daddy ay matutulog ako na kumukulo ang tiyan ko.

