Chapter 48 Nisse’s Pov APAT NA araw na akong nagpapahinga simula ng makalabas ako ng hospital. Nagagawa ko na din makatayo at naigagalaw ko ang isa kong binti. Hindi ako iniwan ni daddy. Palagi niya akong inaalalayan kapag sinusubukan kong tumayo. Nong una ay nahihirapan ako lalo na kapag pumupunta ako ng banyo. Nahihiya kasi ako na tawagin si daddy para magpatulong. Mukhang alam niya na nahihiya ako kaya nagkukusa na lamang siya na tinutulungan ako. Okay naman siguro yun lalo na’t anak naman niya ako. Ngayon ay nandito kami ni daddy sa sala. Hindi na ako sumasakay sa wheelchair dahil kaya ko naman maglakad na. Dahan-dahan nga lang ang ginagawa ko upang hindi ako mahirapan. “Gagawan kita ng merienda, baby? Gusto mo ba?” Tanong ng daddy ko. “Sige po, daddy.” Pagpayag ko. Hindi ko

