Chapter 34 Nisse’s Pov NANDITO NA kami ni Morgan sa kwarto kaya lumapit ako sa terrace para tanawin ang kwarto ko. Hindi ko alam kasi kung nag aaway pa sila mommy at daddy. Pero sana ay hindi na sila nag aaway. Baka kasi magkasakitan na naman at magbasag si mommy ng gamit namin. “Gusto mo bang humiram ng damit?” Biglang tanong ni Morgan sa ‘kin kaya napalingon ako sa kanya. “Sige. Umupo kasi ako sa lupa kanina kaya malamang nadumihan na ang short ko.” Sabi ko sa mahinang boses. Tumango naman si Morgan. “Kukuha lang ako ng damit mong pamalit.” Aniya saka naglakad sa walk in closet niya. Ang laki ng kwarto ni Morgan. Mas malaki pa ‘to sa kwarto ko. Lalaking lalaki talaga ang kwarto niya. Yung amoy din ng kwarto niya ay amoy na amoy niya. Ang bango! Hinintay ko lang na bumalik si Mor

