Chapter 32 Morgan’s Pov AGAD akong lumabas ng office matapos ang pag uusap namin ni Sabrina. Hindi ko na pinansin pa si Mik dahil hindi pa humuhupa ang inis ko. Sumakay ako sa elevator ng biglang mag ring ang phone ko. Kinuha ko agad sa likod ng pantalon ko upang masagot ko ang tawag. Nang makuha ko ay tinignan ko na muna kung sino ang tumatawag. Si Demetri, kaya sinagot ko ang tawag. Itinapat ko sa kaliwa kong tenga at hinihintay kong magsalita siya. “Nasa’n ka, pre?” Tanong niya agad. “Paalis na ng kompanya. Why?” Balik tanong ko sa kanya. “Good. Daan ka sa bahay ko. Nandito sila Koa, Kevin, Sid at Honey. Mag iinuman lang.” Aya niya sa ‘kin. “And?” Tanong ko dahil sigurado ako na may iuutos ‘to sa ‘kin. “Bili ka pulutan. Piste kasi ‘to si Kevin utusan. Sabi ko pulutan, ang

