Chapter 43 Morgan’s Pov KANINA pa ako naghihintay kay NIsse dahil sabi niya ay mag gro-grocery lang daw sila ng mommy niya. 6PM na pero wala parin siya. Panay din ang send ko ng message pero kahit isa ay wala man lang akong natanggap na reply. Nong una ay ayaw kong tumawag dahil baka maistorbo ko ang bonding time nilang mag ina. Pero hindi ko alam kung bakit, may nag uudyok sa ‘kin na tawagan siya. Kaya hindi ako nakatiis ay tinawagan ko siya pero nakapatay ang phone ng dalaga. Nasa labas na ako ng gate ng bahay ko at panay ang lakad-lakad ko sa harap ng bahay ko papunta sa bahay nila Nisse. Panay din ang silip ko sa gate nila upang makita ko kung nasa loob na ba ang kotse ng mommy niya. Napabuga ako ng hangin habang panay ang tingin ko sa relo ko. “Nasa’n ka na ba, baby girl?” Bul

